Tuesday, October 15, 2013

Why Nursing?!

         Bilang unemployed pa naman ako (hindi naman sa ipinagmamalaki ko pa) at para magkaroon ng kasaysayan itong pagtengga ko e, ilalaan ko na lang sa pagba-blog ang umuusad na oras. Wala akong maisip na topic talaga kaya ike-kwento ko na lang ang ilang kadahilanan kung bakit Nursing ang napili kong course/degree sa para sa kolehiyo.
     Simulan na natin sa unang-una, napakabigat at napakalalim na dahilan kung bakit talaga ako nag-Nursing (*drumrolls) --- ang YUNIPORME. Tama! Yan nga. Ang kapita-pitagan at ke-puti-puting uniform ng mga nurses. Sasabihin ng ilan “E bakit di ka na lang nag-Sakristan o di kaya nag-mascot ni Casper o Michelin?”. E ‘di ninyo na naman kasi alam. May mga parte ang uniform na lalong nagpakumbinsi sa akin mag-Nursing. Numero uno, ‘yung dalawang malaking bulsa sa polo na nasa halos tapat ng tiyan. Easy-access sa mga gamit na dala tulad ng panyo, cellphone at pera. At, ang angas kaya tignan kapag nakapamulsa ka dun. Hahaha. Tipong parang lagi mong kasabay ang dean mag-lunch sa kaangasan. Ingat lang sa pamumulsa pag gawing hapon na, takaw-libag ang parte ng uniform na ito.  Ngunit, sa kasamaang palad ay nasanasan ko lang noong fourth year na ako dahil isang malaking bulsa lang ang nasa polo naming from 1st hanggang 3rd year na tinernuhan pa ng midnight blue na islaks. Oo, midnight blue dapat ang bilhin at ipatahi dahil ko-quota ka sa I.R. (incidental report) kapag hindi iyon ang kulay ng pants mo. Mainit sa mata ng mga clinical instructors yan lalo na sa unang taon ng iyong pag-aaral  Sa madali’t sabi hindi pa pala mag-o-all-white sa mga unang taoon ng pagna-Nursing. Pero di naman na rin masama. Numero dos, yung bulsa na maliit na pwede mong paglagyan ng ballpen, cellphone, barya, isa hanggang dalawang balot na tatoos o popsy, sa mapupusok na kabataan pwede ring lalagyan ng “C”, mabango at may iba-ibang flavour… ang “candies”, na nasa tapat ng kaliwang dibdib kung saan nandoon din ang logo ng college namin na ang talagang purpose pala ay sabitan ng nameplate. Tandaan: Ipangkuha lamang ang hinlalaki (thumb) at hintuturo (index finger) kapag may kukunin sa nasabing bulsa kung ayaw mo itong mawakwak. Isang malaking sugal na kung isasama pa ang hinlalato (dirty, no, middle finger) sa pagkuha. Kokota ka rin sa dami at laki ng butones ng uniporme ng Nursing student na pwde mong ipamato sa piko. Mabuti na lang at ‘di na itinawid pa sa balikat ang mga butones. Nakatipid d’yan si Aling Aida ng humigit kumulang 5 hanggang 6 na butones. Bonus na din kung may pleats ang uniporme ng school na napasukan mo pero mas mahirap itong plantsahin, kasumpa-sumpa. Marami pang ganap kung uniporme lang ang pag-uusapan kaya ibubukod ko na ng blog iyon.
       Pangalawa. Di naman na siguro lihim sa atin na sa mga nakalipas na taon e maya’t maya ay nababalita sa TV na maraming bansa ang nangangailangan ng nurses. “Boom na boom” kung tawagin ng iba (lakas maka-perya n’yan). Spokening dollar. Sino nga ba naman ang di maeengganya dun? O, wag mo sabihing ‘di rin yan isa sa mga dahilan ng ilan sa nurses ngayon. Ano ‘to?! “Ang dugo’t pawis ko ay iaalay ko upang makatulong sa mga nangangailangan o may karamdaman na walang hinihinging anumang kapalit. Period. Susi-padlock. No erase. Padlock tapon sa dagat. Kinain ng pating.”? Superhero?! Pero, sabi nga nila ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan naman nasa ilalim. Kaya ayon, may ilang bansa pala na PMA ang ganap. Pahinga Muna Anak sa pagtanggap ng mga nurses. Kaya naman aasa ka na lang rin sa bali-balitang “sa taong ganire mag-oopen uli yung ganyan”. Pero sa totoo lang, mahirap pala talaga ang mag-abroad. Akala ko kasi dati pag naka-pasa na ng Philippine board exam madali na ang lahat. Yun pala, may kukunin pang mga ibang exams para ma-qualify ka abroad. Nang! Unli-money lang ang mga nagpa-aral sa amin?!
       Pangatlo. Siguro dahil na rin nakita ko sa yearbook namin nang grade school at highschool na ang inilagay ko sa “Ambition in Life” ay Nurse kaya itinuloy ko na rin. Baka ito na talaga ang nakaguhit sa mga palad ko. Saka bago mawala yung tatay ko e iyun yung alam niyang kukunin ko pag nag-college na ako kaya talagang dapat iyon na ang piliin ko. O sume-seryoso. Anyway, e kasi naman, noong bata pa ako, akala ko dati pwede ka mamili ng gagawin kapag nurse ka na sa ospital. Balak ko kasi noon, tulad noong napapanood ko sa TV, na may semi-circle na mesa sa pagpasok mo ng ospital tas doon naka-upo yung nurse tapos sa kanya mo itatanong kung saang room nandoon yung isang pasyente. Iyon talaga ako e. Hahaha. Nakakahiya man pero may ilan akong kaibigan na nakakaalam na iyan talaga yung gusto kong gawin sa ospital bilang nurse kaso pang pelikula lang pala ‘yon. Hapdi.
       At, s’yempre naman. Instant galing sa ibang tao ang matulin na pag-iling sabay turo sa iyo at bitaw ng “Ay! Matalino yang batang ‘yan!” kapag Nursing ang course mo. Di ba nga?! Hahaha. If you only knew. ;)
      Sapat na siguro yung mga ‘yan para ibenta na naman yung sarili ko sa blog na ito. Sana naman walang nainis sa mga pinagsasasabi ko sa post na ito. Peace! Hanggang sa muli.
       God bless you!

Thursday, November 15, 2012

facebook rants (part 2)

there are lots of them! part 2.
     bale eto na ang ikalawang parte ng paghihimutok o obserbasyon ko sa ilang users ng facebook. nandito 'yung first part kung interesado ka lang naman basahin --> (click here) hindi ko na alam kung paano pa gagawan ng introduction yung blog na 'to, dahil napakatagal bago ko nasundan yung naunang parte, basta ere na. >.< 
  • The Inconsiderate. sila yung mga walang pakialam kung ano ang pinagdadaanan ng facebook friends nila basta mai-post lang nilang yung mga gusto nila. nariyang mag-post ng katawan ng mga naaksidente, biniyak na bata na nakalagay sa palanggana o anaconda na nakakain ng tao o hayop. hindii manlang inalala yung mga makakakita na maduduwalin o sobrang maawain na talaga namang tatangis 'pag nakakita ng mga ganun. yung iba naman magpo-post ng ke sasarap na pagkain na ang tanging misyon lang naman e gutumin ang mga makakakita o hindi, gusto lang talaga i-display na kakain sila nun. at ang masaklap pa pati picture ng plato o 'yung buong table pagkayari kainan e naka-post kupo! wala akong pakialam sa buto o mumo na itinira mo at ka-caption-an mo yan ng... "busog!" pft! alter-ego: the filter-less
  • The Spam Eater. hindi literal na imported na de-lata nauwi ng mga nag-aabroad kundi 'yung mga internet spams. ‘di ko alam kung bakit ganun na lang ang curiosity ng mga taong ‘to para bumuwis at buksan yung mga spams sa internet, lalo na nga sa facebook na kahit anung gawin e ‘di na nila pwedeng i-deny bilang bawat online friends nila e mapapadalahan nun o di kaya naman mag-a-appear sa ticker. nariyang kung ano yung ginagawa ng mga celebrities sa mga photos and videos, kadalasan may kahalayan. :D nakaka-engganya nga naman lalo na kung ang naka-display na thumbnail e... alam mo na. kaya lang, ang mas nakakatawa (sabihin na nating nakakahiya) lang pag nakita mo na yung mga nabibiktima nito ay 'yung mga di mo inaasahang humihirit ng ganon at pati na rin ilang babae. (pati ba naman sila?) :DD isang tuwid sa newsfeed 'yung trending ng pagpo-post niya ng spam. mahuhuli mo tuloy kung sino yung may ginagawang kababalaghan habang nag-i-internet. :D pong! alter-ego: the fishermen.
  • The Discreditor.  eto 'yung mga nag-gra-grab ng photos/videos, at mag-post ng quotations without crediting the owner or author. kumbaga sa kanila napupunta ang papuri na dapat sana'y para mga taong nagpapakahirap para gumawa ng quotation at nagdala ng camera sa tuwing may happening. o minsan maiinggit sa post ng kaibigan at magko-comment na "pa-repost?" well, then go to twitter! mga taong pwedeng hablahan ng kasong theft and plagiarism. o hindi ko alam, baka mali. basta alam ko may kaso para diyan. ask someone form Tito, Vic and Joey. XD *clears-throat
  • The Ultimate Lover. may ilan lang namang ganito na hindi yata nausuhan ng salitang inbox o PM (private messaging) kaya naman ganun na lang kung i-wall post ang punung-puno ng pagmamahal, walang pag-iimbot at buong katapatang messages of love niya para sa kanyang partner. maya't maya e nag-a-aylabyuhan at palitan ng " ♥ at :-* " sa newsfeed! wala lang load?! (aray! bumanda pabalik 'yun a) tatalunin pa ata 'yung mga pocketbooks ni Martha Cecilia sa tamis ng istorya at baka isa ka pa sa mga malungkot pag nag-break yan dahil naka-subscribe ka. pero, ganoon lang ata talaga ang nagagawa sa atin ng pag-ibig. waaah! cheesy! parang hindi naman ay! disclaimer: di naman 'to dala ng kapaitan. alter-ego: the filter-less
  • The Gamer. wag na 'tong pahabain pa dahil isa 'yung mga game requests nila sa mga dahilan kung bakit, temporarily, nagdeactivate ako ng account sa facebook. maramdamin ako e. XD alter-ego: the filter-less and the spam eater.
  • The Suspender. eto ang mga malulupit mag-post ng bitin. di ko alam kung saan nagsimula at sino yung nagpa-uso nung mga phrases na "yung eksenang..." at "yung tipong..." utang na loob, ineng! kung magpo-post kayo ng ganyan e kumpletuhin ninyo yung thought. lakas maka-bwisit. halimbawa, eto yung kadalasang nababasa ko: "yung eksenang nakita mo si crush." o? ano'ng nangyari pagkatapos nun? dali, ipaliwanag mo pa. aba e, lagyan mo naman ng reaksyon sa dulo para mabuo yung gusto mo iparating. sundan mo naman ng "...nakaka-kilig, sobra!" kailangan pa ba ituro sa iyo yan. pektusan kita e! biro lang. ;)
     unfriend mo na ko, ganyan ka naman e. hahaha. pasensya na ulit kung nandito ka na naman o 'yung kaibigan mo. >.< titigil ko na nga ito. pero pag may napansin na naman ako baka sakaling magka-part 3. may bahagyang punto naman yung mga yan diba kaya don't you tell that AMALAYER. :D pasensya na uli.
     thanks for reading!
     God bless you. ;)

Tuesday, September 18, 2012

Work out.

     I am like in the midst of chaos now just thinking of a simple question: Should I start working my ass out as a volunteer nurse or keep on bumming around here in my room and get spoiled? I know, in what I have accomplished—-passing the Nursing Licensure Exam and taking my oath as a professional, I should be working by now. But, I guess, I am not ready for that thing yet. Call me stupid for saying these reasons but I feel that I’m still young to get a job, not done with my resumé, doesn't have an ID picture, got no formal training yet and stuff. Tell me, am I just reasoning out for my procrastination? Honestly, the will for working, most of the time, runs in me. It really does. Yet, monster MDs and staff nurses give me creeps and that kills this will. Just having a thought of them lecturing and scolding you for doing less of the work because they don’t get the idea that you’re in safe-mode for your next move so what they’re doing to you now won’t happen and/or because you are in full swing that they think you are now crossing on their line of work (if you just know what I mean), terrifies me, big-time. I will save this week to chew over this dilemma and will hope to make the best plans and decisions.
     P.S. Hope, this one will not reach my mother or anyone in my family because if it does, I’m dead. >.<

Friday, August 31, 2012

rant: your RN? really?!


     Funny, how you recognize your reviewees as your own RNs when they've been utilizing their OWN knowledge and efforts throughout the whole 4 (or almost 5) years of searing brows (term I got from my highschool Alma Mater song. *wink) and hardwork just to imbibe nursing. We all spent much of these 4 years in our school, hospitals, clinics, RHUs, and in the community giving patient/client care and drained ourselves doing case studies, return demos, nursing care plans (NCPs) and stuff for us to gain competency and to prepare for the licensure examination. smileBut, why do these review centers keep on attaching their names, like somehow, claiming the breakthrough of each of the students who have passed the Nursing Licensure Exam as if those were theirs? Yes, you've been there to sustain for what's lacking for a couple of months or three to refresh the graduates' memory (giving you a credit for that) but, I think the schools deserve that credit more than you do, who had been there all through and/or might as well the students themselves.
     Just keeping it real. ;)
 Disclaimer: Sorry for the alternating person mode of narration.
     Thanks for reading.
     God bless.

Wednesday, July 25, 2012

Bad Mouth: a rant

     Ang sarap gumising sa umaga lalo at nabigyan ka ng pagkakataong makatulog ng labingtatlong oras. Ang lakas maka-bangkay ng feeling paggising mo --- yung tipong umakyat lahat ng formalin sa mukha mo sa sobrang pagkamanas at halos di ka maka-kilos dahil parang nagdikit-dikit na 'yung mga kasukasuan (joints) at litid mo sa tagal ng pagkakatulog mo. Gayunpaman, bago pa ako mag-inat ng katawan mas una ko pang ginawa ay ang tingnan ang cellphone ko, buong pusong umaasa na kahit isang text message man lang ay meron... drumrolls... 1 message received (lakas maka-3210 niyan). From: 4438. Oo, tama ka, load reward lang yan at di ko na babanggitin kung magkano dahil mahuhuli kung gaano ako kadalang mag-load. Kasunod kong tsinek ang twitter account ko. Ganun pa din, mga taong ginagawang diary, to-do list at chatbox ang twitter sa halip na gamitin ang direct messaging nito o mag-sign-in sa facebook at doon mag-usap. Yaman din lamang at nabanggit ang facebook, at dito naman talaga nag-ugat ang rant na 'to (walang talagang kinalaman ang mga naunang nabanggit, pang-intro lang.) e di ko akalain na dahil sa pagba-browse ko sa newsfeed ay makakagawa ako ng impromptu blog bunga ng pagka-inis sa nakita ko. (ikaw pa ang naging buena mano ko after 4 months) Di ko personal na narinig, pero batid kong isang babasagin at malutong na mura ang nais iparating sa status na ito, in all capital letters, na kadalasang sila nanay at tatay na lang ang gumagamit para mai-express ang galit nila sa mga anak thru text. Hindi ko alam, siguro nakasanayan ko lang na kainisan 'yung mga nag-i-immortalize sa internet ang mga nagsasabi ng iba't ibang version nila ng pagmumura, may pang-sosyal at may pang-jologs, mind you, kadalasan ilang babae pa ang gumagawa nito. Kainis din naman yung nagla-like neto. Kinunsinte ay! Okay na sana kung purong ganoong salita lang ang maririnig/makikita mo, pero hindi, kung minsan ay nagpo-post/share pa ng ilang Biblical passages or photos o basta 'di umaayon... di consistent! Bibigyan kita ng limang segundo para mamili lang diyan sa dalawa ang ipo-post mo, para di kami nalilito sa kung ano talaga ang prinsipyo mo.

Sana nga!
(my previous fb status dated April 18, 2012) Salamat, timeline.
     Paalala: Lagyan din ng Yin at Yang ang ugali sa itsura para kwits, 'di nagkakalamangan. Hahaha.
     Siguro may naiinis na naman sa akin ngayon. Eto ang linya mo, "'Kala mo naman kung sino 'reng nagnanaknak sa kabaitan!" (pout and smid.)
   Ehhh,wag ka gagawa ng hindi ayos kung ayaw mong naba-batas ka. Gumawa ka rin ng blog para maka-ganti ka. Hahaha. Aasahan ko na lang yung lalong pagkonti ng facebook friends ko after posting this. ;)
     Thanks for reading.
     God bless you.