Saturday, January 21, 2012

facebook rants (part 1)

there are lots of them, really! :)
       dati ko pa dapat ito sinimulan e! 'di talaga 'ko maka-tiempo ng mahaba-habang oras para lang pagbulay-bulayan ang blogpost na 'to. though, andaming pumapasok sa isipan ko 'pag inaalala ko 'yung tungkol dito kaso nalilimutan ko rin dahil nga 'di naman ako nakakapag-take down ng notes lalo na at sa mga maling lugar pumapasok ang mga himutok ko -- habang nagkaklase, nasa biyahe papunta o pauwi galing ng school/duty at ang pinakamasaklap, habang nagbabawas ng sama ng loob sa toilet. kaya ayun, naipon na lang sa isip ko pero buti nanatili naman ang ilan. (drumrolls.) at ngayon, eto na! pag pasensiyahan n'yo na kung mahahagip kayo sa ilan sa mga nakalista dito, kung minsan guilty rin naman ako. haha. wag ninyo sana akong kamuhian, ito'y napapansin ko lang naman at minsan kasalanan rin ninyo/nating mga facebook users. ;) eto na, sisimulan ko na talaga.  (fingers crossed.)
     napakadaming mong mapapansin kapag involve ka sa ilang mga social media. minsan, may friends/followers ka na kakaasaran o kakatuwaan mo dahil sa lang sa mga posts nila o anything that they do with facebook. pero, ewan ko ba, kadalasan mas marami akong nakakaasaran dahil lang sa mga trip nilang gawin dito. at dito patungkol ang blogpost na 're. game!


  • The Mr. and Ms. Congeniality. sila 'yung mga maya't maya e makikita mo sa news feed na, "mr./ms. congeniality is now friends with..." argh. 'di mo alam kung naiinaman ba sila sa idea na paramihan ng friends sa facebook. yung tipong basta may nag-appear na request, e wala nang profile check... accept kagad. tapos kadalasan, sila rin 'yung dalawa yung account, tas ise-share din niya sa previous account niya, ano!? para mapuno ule? (fan page kaya ang gawin mo!) if he/she could just make friends with his/herself, he/she'll do it. asahan at abangan mo din, panigurado, magpo-post 'yung mga yan na, "HaiZt,,, k3LaN6aN qUH Na +aLa6a Ma6-uNfr!3nd n6 'd! kaK!LaLa. s0w33 feUh.. " umamin ang putek at jejemon pa! :)) (seriously, natagalan ako sa pag-type ng dialog niya.)
  • The Ever Gratefuls. sila 'yung mga regular posters (tama ba yan?! O basta the one who posts. haha.) ng statuses, photos and self-titled photo albums na oras na i-click mo 'yung makapangyarihang hinlalaki sa ilalim ng post niya... ayy, agad-agad kang papasalamatan with your name mentioned and/or tagged. if her post had 15 likes, for example, 15 thanks'/thank you's/salamat's din yung nandun. seryoso. 'di ko alam kung very flattered lang siya o misyon niya mag-trend sa news feed ang post niya. offline pa yan minsan, kuno! pero pag may nag-like, yay! wagas na pagpapasalamat ang hain niya. 'di masamang magpasalamat pero tandaan mo rin na 'di lahat ay tapat sa sinasabi nila, kung minsan hinuhuli ka lang. alter ego: self-worshipper at fisherman.
  • The Self Worshiper. siya 'yung poster (pangalawa na 'to. haha) ng photos, or worse, photo album na ang laman ay pictures niya (malamang) pero hindi, pictures niya in chronological order, walang bura-bura, direcho upload, iisa ang suot (pansinin mo) but his/her face in different angles. yesss, pouted lips, puffed ang cheeks, naka-japan pose, anit-shots with eyes looking up, o yung ninoy aquino, 500 peso bill pose na pa-cute/korean at marami pang iba. tignan mo na lang pictures in thumbnails, mabubuo mo yung istorya, pramis yan. :) (wag mo ila-like a, baka mamihasa. jk. pag me itsura, sige pwede na din. ;)) alter-ego: the fishermen and the ever gratefuls.
  • The Fishermen. eto naman 'yung mga alam mong nangunguha lang nga atensyon sa facebook whether thru their status, photos and/or videos. nag-aabang kung sino kakagat sa pain nila. ang caption? in all capital letters pa yan para lang mapansin. their usual post... papalit-palit ng relationship status, mga "this world is not for me, i wanna die. (slash.bleeding.dead.)" posts, at mga suppose-to-be private photos or videos e ina-upload pa para lang mamalakaya ng likers. (o nalaliman ka? mamalakaya, mangisda ba.) kung bakit kaya 'di ka gumawa ng scandal? jk. e, sa totoo lang, 'di ko nila-like yung mga posts na 'to. haha. (sana kayo rin.) isa pa tong lubos kung mamihasa habang pinagbibigyan e. alter ego: the ever grateful and the pathetic.
  • The Ranter. eto 'yung mga walang ginawa kundi sabihin ang lahat ng pag-iimbot at hinagpis sa kung anuman ang mga nakikita o napapansin nila. naghahahanap ng babag kumbaga at maging ng kakampi nila. kung minsan may kat'wiran at mapapa-tango ka sa sobrang pagsang-ayon, kung minsan nakiki-uso lang. mga ipinanganak upang sulitin ang demokrasya sa bansa, lumabas na suhi sa sinapupunan kaya ayan labis rin ang pag-ire ng mga himutok. humihingi ako ng dispensa, sabi nga ng boyband na blue, "then, i'm guilty". ;D
  • The Public Person. sila ang mga walang habas na gumagamit ng check-in feature ng fb. updated ka kung saan sila naroon. lalo na kung nasa mall ito, malipat lang yata ng boutique isa-shoutout na kung nasaan siya. (may angas.) at ultimo 'yung bahay nila isinasama pa 'tas dume-there's no place like - at home. alam mo, kung may gustong pumatay sa iyo, natunton ka na dinamay mo pa pamilya mo. bumiyahe ka ng tahimik! alter ego: the filter-less .
  • The Pathetic. "pa-like naman ng status/post ko. thanks. :3" iyan ang karaniwang linya niya sa pag-PM sa iyo. nakakaawa di ba? kadalasan rin niyang gawi ang i-like ang sarili niyang status. 'di makapaghintay na gustuhin ng iba ito. wag kang magpapasikat ng alas-sais o alas-siete ng umaga, di pa gising ang iba, hintayin mo ang posting hours, 7pm onwards at dun ka pumalahaw. kung ala pa rin talagang nag-like, malamang 'di nila talaga nagustuhan o suya na sila sa kapo-post mo at utang na loob, wag kang maging desperado na i-PM ang online friends mo para i-please sila. lalo ka lang magmumukang aba o di kaya naman kamuhian ka na. :))
  • The Filter-less. madami niyan. walang ibig ipahayag kundi ang activities of daily living (ADLs) o ang to-do list nila with location. matuto kang mamili ng ii-immortalize mo thru internet. di namin kailangang malaman kung mag-aanak ka sa binyag, magrereview ka for the exam, pupunta ka sa lamay o kakain ka. teka, 'di dapat maging kaugaliaan na kumain sa harap ng computer para lang i-update kame. "natinik pa 'ko." ayy, bakit 'di mo kaya unahing lumunok ng isang tumpok na kanin o ng saging mapa-lacatan, la tondan o saba pa yan o kaya'y agad na magpahilot sa kunsinumang ipinanganak na suhi para ipatanggal yan. (sana tinik ng aruwana 'yang nakadali sa iyo. jk.) para ka na ring nagbigay pahintulot para ma-invade ang iyong privacy. alter ego: the public person.
  • The Scoreboard and Sports Analyst. eto naman ang maghahatid sa iyo ng balita tungkol sa sports. kung nataong may laban si pacquiao at wala ka sa bahay para mapanuod ito, wag ka mag-alala, log on to your fb mobile, andun siya, every round may insight sa laban. badtrip pa kung nasa ibang bansa siya na live na nakakapanuod, nakakawala suspense. :)) merun din naman na ginagawang scoreboard ng volleyball/basketball game ang fb, talagang sasabihin niya ang score kung kesho natambakan na ba o ano pa'ng nangyayari. magfocus ka na lang sa panunuod jan 'di yung dapat mo pa sabayan ng pagpe-facebook. pasikat 'tong naka-cable na 'to. (pait.) haha. alter ego: the filter-less.
      ayan na nga lang muna. baka marami nang magalit sa akin. kung sino ka man, wag mo munang itodo 'yung galit mo kasi may susunod pa at baka nandun ka pa ule. haha. biro lang. 'di naman masamang gamitin ang mga social networking sites gaya ng facebook, kaya lang parang pag-inom lang ng alak 'yan... in moderation dapat.
     thanks for reading!
     God bless us all!