Though, ang rule sa klaseng yun e, "What happens in N6, stays in N6", wala na kong magagawa tapos na. :DD Sobrang sarap lang isipin na of all the sections that our instructor is handling, yung section namin ay isa sa ang lahat ng estudyante ay pumasa. Partida pa na katabi ng room namin yung dean's office sa lakas ng sigawan after announcing that nobody failed. Well, actually, may hirit muna after mangyari yun. Nagbanggit siya nga mga pangalan na di umano'y nakapasa, not in alphabetical order, she started from the highest among all, then random na. Yung tipong papalakpak ka na lang para sa mga nababaggit. Tapos natawag ako. "Thank you, Lord!" :DD Lasang langit! Then, tapos na. Siguro more than 10 students yung di natawag. "Okay, Tumayo yung mga di ko natawag." Tapos pinaupo rin. May naluha/naiyak na. (Malamang nga may nagtext na sa magulang na "Nay. T.T". Biro lang.) Tapos biglang sasabihin ng instructor na "Okay. Walang bumagsak sa inyo. Pasado kayong lahat." (Sigawan, taas ng kamay, palakpak) Knowing our CI di mo akalaing gagawin niya yun. Seryoso. Sobrang saya ng lahat at siyempre nakaka-proud na walang bumagsak sa amin!
|
Group 1 |
|
Group 2 |
|
Group 3 |
|
Group 4 |
Paputiin na ang mga sapatos.
Nangangamoy DIPLOMA na! :DD
[photo credits to lorvic329]