Saturday, December 24, 2011

it's a merry Christmas... still.

miss ko na kayo -- kuya at kim. :)
     it's less than 21 hours before Christmas and i am still upset with the thought that we're celebrating it without my kuya and kim. though, it's not the first time that my kuya's out for holidays, knowing that he's not in the country (so, i can deal with the pain. lol. jk.) but, not having my little sister, kim, for the first time this Christmas is one thing. the fact her bosses on her ojt didn't allow her to leave the training on that day, it really sucks. naaawa ako sa kapatid ko kasi ngayon lang namin siya di makakasama sa noche buena at mismong araw ng pasko. i will miss how her diet fails during this season cause she can't resist the food and sweets we're preparing/we've prepared and how we're competing on who's getting more aguinaldo's mula sa napapamaskuhan namin kahit na matatanda na kami. :)) few hours ago she texted me,
kim: Kuya king.
me: Bakit?
kim: Ala lang. :( d ako jn pasko.
 
me: Oo nga e. sayang. bakit ba di ka nakauwi ng monday? ingat ka jan.
kim: Ewan ko b sa mga epal na b0s ko. Miss ko na kayo jan. Sayang di ako jan makakakaen ng n0che buena.. Pero new yr jan tlga ko kht anu mangyre
me: oo nga. tumakas ka kung kailangan. haha. jk. ... ingat ka jan ha. youth christmas party bukas...
     i can really be a supportive brother in a bad way. jk. but what can i do, i just want my sister to be here, at least, on new year's eve and new year.
     i just have to enjoy this holiday with nanay and ate. kaya naman namin gumawa ng sariling ikaliligaya kasama ang mga kamag-anak at kapit-bahay. kumain na lang ng marami at magpakabusog. anyway, this season is all about Jesus' birth and He's the one who should get all the credits, be honored and glorified. Maligayang kaarawan, Jesus! :))


Merry Christmas to y'all -- families, friends, classmates and countrymen! God bless us all. ;) Spread the LOVE! <3

Friday, December 16, 2011

salamat nanay!

dati pa 'tong litrato na to kaya mataba pa ko jan. :)
     i just had a good time with my college friends and when i was on my way home, (actually, naglalakad lang ako dahil sira ang motor, at saka malapit lang din naman kasi) bigla kong naisip 'yung mga tinapay ng bakery sa may kanto sa amin na animo'y nanghahalina para kainin sila, at ngayon e medyo nausad na kasi ginagawa 'yung bahay sa likuran noon magmula nang bumaha, o adi bale wala na siya sa kanto namin pero malapit pa rin naman. (ang gulo!) anyway, wala ka namang yatang pakialam sa lugar kung nasaan yon. kaya, habang naglalakad ako napaisip ako kung dadaan ba ako dun ng ako lang o uuwi muna ako, 'di naman kasi ako sanay maglalabas ng kalsada. naisipan ko na umuwi muna at susugal ako sa pagkakataon kung sasamahan ba ko ni nanay para makabili lang dun. 'di ko rin alam kung bakit ko gusto bumili e busog naman ako.
tumutuktok...
king: "nay, bless."
nanay: (abot ng kamay) "kumain ka na jan."
king: "e kumain na ko dun." 
nanay: "dapat pala 'di ko na niluto 'yung baboy... teka, 'yung sukli ko?" 
king: "o eto walang bawas. e nay samahan mo kaya akong bumili sa bakery." 
nanay: "naman, amaya na. pagtapos ng isang palabas."
king: "ngayon na e mabibitin ka pa n'yan lalo. saglit lang naman 'yun." 
nanay: "naman pala." (tumayo, tinurn-off ang tv at ang ilaw) 
habang naglalakad nang magka-akbay...
king: "bukas pa kya iyun?" 
nanay: "oo naman. kala ko ba kumain ka na?!" 
king: "oo nga. giniling saka adobo." 
nanay: (masama ang tingin) "o bakit doon kumakain ka ng adobo?!" 
king: "e giniling lang 'yung kinain ko 'no."
nanay: "nakooooo!" 
     at nung nasa bakery na kame, wala akong nakitang custard cake at egg pie. saklap! adi ayun bumili na lang ako ng tig-sampung pisong brownies at spanish bread. at tig-six pesos na crinkles at hopiang baboy. para akong bata kung mamili kailangan sa kaunting pera ay marami akong matikman. susubukan ko lang kasi ule 'yung crinkles at hopiang baboy 'di ko na kasi maalala 'yung lasa.
  at pag-uwi namin sa bahay, binuksan kagad ni nanay 'yung tv at nagrereklamong tapos na ang amaya. sabi ko naman nakaka-isa pa lang yun. at kinain ko na 'yung mga tinapay, ganun pa rin naman ang lasa. lasang-langit! masarap. Peralta's finest ika nga. samahan pa ng napakasarap na ice candy ni nanay. :D ayyy, daberiberibest!
   ayun, tapos na, naisip ko lang i-blog kasi napakabait ng nanay ko, di ko inasahang papayag siyang samahan ako para lang sa tinapay na 'yun! i love you nanay! <3

thanks for reading!
Godbless us all. ;)

Tuesday, December 13, 2011

mga pasikat: a rant.

credits to the one who one this photo. :)
     na-alarma lang ako sa mga facebook status na pinopost lately na sobrang nakakinis na pauli-ulit na lang, like,
"kumain ako neto kanina wala naman music! hehehe"
and they were pertaining to the cornetto disc na sinasamahan pa ng youtube video ng commercial sa post nila.
     bakeeet?!! teka lang! 'di ko lang makuha 'yung punto na hahanapan mo ng tugtog 'yung pagkain mo ng cornetto disc na malamang binubuksan mo pa paikot.


snapshot from the cornetto disc tv commercial.
     paki-paliwananag lang. maiintindihan kita kung you're a school-aged kid at aasa ka sa background music, that'd be cute o 'di kaya naman sadyain mong magpatugtog sa music player mo ng hey daydreamer. pero, utang na loob teen-ager ka na... bakit pa magpapa-uto sa mga tv commercials at sa autoplay. unless, unless, unless, naka-droga ka at nagha-hallucinate ka. pwede 'yon. (naaawa ako sa iyo.) i never tried that ice cream at kung sakali man na bumili ko, 'di siguro ko mag-eexpect ng background music, seriously. oo. o 'di kaya naman may punto ka lang talaga na gusto palabasin... nagyayabang ka lang na kumakain ka ng usong ice cream at gusto mo malaman namin 'yon! oh, tama ako? :)) argh, lech*ng pasikat!
     please, wag na lang. at kung mabasa 'to ng iba... alam ninyo na 'yung dapat iwasan. salamat! :D


God bless us all. :)