dati pa 'tong litrato na to kaya mataba pa ko jan. :) |
i just had a good time with my college friends and when i was on my way home, (actually, naglalakad lang ako dahil sira ang motor, at saka malapit lang din naman kasi) bigla kong naisip 'yung mga tinapay ng bakery sa may kanto sa amin na animo'y nanghahalina para kainin sila, at ngayon e medyo nausad na kasi ginagawa 'yung bahay sa likuran noon magmula nang bumaha, o adi bale wala na siya sa kanto namin pero malapit pa rin naman. (ang gulo!) anyway, wala ka namang yatang pakialam sa lugar kung nasaan yon. kaya, habang naglalakad ako napaisip ako kung dadaan ba ako dun ng ako lang o uuwi muna ako, 'di naman kasi ako sanay maglalabas ng kalsada. naisipan ko na umuwi muna at susugal ako sa pagkakataon kung sasamahan ba ko ni nanay para makabili lang dun. 'di ko rin alam kung bakit ko gusto bumili e busog naman ako.
tumutuktok...king: "nay, bless."nanay: (abot ng kamay) "kumain ka na jan."
king: "e kumain na ko dun."
nanay: "dapat pala 'di ko na niluto 'yung baboy... teka, 'yung sukli ko?"
king: "o eto walang bawas. e nay samahan mo kaya akong bumili sa bakery."
nanay: "naman, amaya na. pagtapos ng isang palabas."king: "ngayon na e mabibitin ka pa n'yan lalo. saglit lang naman 'yun."
nanay: "naman pala." (tumayo, tinurn-off ang tv at ang ilaw)
habang naglalakad nang magka-akbay...king: "bukas pa kya iyun?"
nanay: "oo naman. kala ko ba kumain ka na?!"
king: "oo nga. giniling saka adobo."
nanay: (masama ang tingin) "o bakit doon kumakain ka ng adobo?!"
king: "e giniling lang 'yung kinain ko 'no."
nanay: "nakooooo!"
at nung nasa bakery na kame, wala akong nakitang custard cake at egg pie. saklap! adi ayun bumili na lang ako ng tig-sampung pisong brownies at spanish bread. at tig-six pesos na crinkles at hopiang baboy. para akong bata kung mamili kailangan sa kaunting pera ay marami akong matikman. susubukan ko lang kasi ule 'yung crinkles at hopiang baboy 'di ko na kasi maalala 'yung lasa.
at pag-uwi namin sa bahay, binuksan kagad ni nanay 'yung tv at nagrereklamong tapos na ang amaya. sabi ko naman nakaka-isa pa lang yun. at kinain ko na 'yung mga tinapay, ganun pa rin naman ang lasa. lasang-langit! masarap. Peralta's finest ika nga. samahan pa ng napakasarap na ice candy ni nanay. :D ayyy, daberiberibest!
ayun, tapos na, naisip ko lang i-blog kasi napakabait ng nanay ko, di ko inasahang papayag siyang samahan ako para lang sa tinapay na 'yun! i love you nanay! <3
thanks for reading!
Godbless us all. ;)
No comments:
Post a Comment