Bilang
unemployed pa naman ako (hindi naman sa ipinagmamalaki ko pa) at para magkaroon
ng kasaysayan itong pagtengga ko e, ilalaan ko na lang sa pagba-blog ang
umuusad na oras. Wala akong maisip na topic talaga kaya ike-kwento ko na lang
ang ilang kadahilanan kung bakit Nursing ang napili kong course/degree sa para
sa kolehiyo.
Simulan
na natin sa unang-una, napakabigat at napakalalim na dahilan kung bakit talaga
ako nag-Nursing (*drumrolls) --- ang YUNIPORME. Tama! Yan nga. Ang
kapita-pitagan at ke-puti-puting uniform ng mga nurses. Sasabihin ng ilan “E
bakit di ka na lang nag-Sakristan o di kaya nag-mascot ni Casper o Michelin?”.
E ‘di ninyo na naman kasi alam. May mga parte ang uniform na lalong nagpakumbinsi
sa akin mag-Nursing. Numero uno, ‘yung dalawang malaking bulsa sa polo na nasa
halos tapat ng tiyan. Easy-access sa mga gamit na dala tulad ng panyo,
cellphone at pera. At, ang angas kaya tignan kapag nakapamulsa ka dun. Hahaha.
Tipong parang lagi mong kasabay ang dean mag-lunch sa kaangasan. Ingat lang sa
pamumulsa pag gawing hapon na, takaw-libag ang parte ng uniform na ito. Ngunit, sa kasamaang palad ay nasanasan ko
lang noong fourth year na ako dahil isang malaking bulsa lang ang nasa polo
naming from 1st hanggang 3rd year na tinernuhan pa ng
midnight blue na islaks. Oo, midnight blue dapat ang bilhin at ipatahi dahil
ko-quota ka sa I.R. (incidental report) kapag hindi iyon ang kulay ng pants mo.
Mainit sa mata ng mga clinical instructors yan lalo na sa unang taon ng iyong
pag-aaral Sa madali’t sabi hindi pa pala
mag-o-all-white sa mga unang taoon ng pagna-Nursing. Pero di naman na rin masama.
Numero dos, yung bulsa na maliit na pwede mong paglagyan ng ballpen, cellphone,
barya, isa hanggang dalawang balot na tatoos o popsy, sa mapupusok na kabataan
pwede ring lalagyan ng “C”, mabango at may iba-ibang flavour… ang “candies”, na
nasa tapat ng kaliwang dibdib kung saan nandoon din ang logo ng college namin
na ang talagang purpose pala ay sabitan ng nameplate. Tandaan: Ipangkuha lamang
ang hinlalaki (thumb) at hintuturo (index finger) kapag may kukunin sa
nasabing bulsa kung ayaw mo itong mawakwak. Isang malaking sugal na kung
isasama pa ang hinlalato (dirty, no,
middle finger) sa pagkuha. Kokota ka rin sa dami at laki ng butones ng
uniporme ng Nursing student na pwde mong ipamato sa piko. Mabuti na lang at ‘di
na itinawid pa sa balikat ang mga butones. Nakatipid d’yan si Aling Aida ng
humigit kumulang 5 hanggang 6 na butones. Bonus na din kung may pleats ang
uniporme ng school na napasukan mo pero mas mahirap itong plantsahin,
kasumpa-sumpa. Marami pang ganap kung uniporme lang ang pag-uusapan kaya
ibubukod ko na ng blog iyon.
Pangalawa.
Di naman na siguro lihim sa atin na sa mga nakalipas na taon e maya’t maya ay
nababalita sa TV na maraming bansa ang nangangailangan ng nurses. “Boom na
boom” kung tawagin ng iba (lakas maka-perya n’yan). Spokening dollar. Sino nga
ba naman ang di maeengganya dun? O, wag mo sabihing ‘di rin yan isa sa mga
dahilan ng ilan sa nurses ngayon. Ano ‘to?! “Ang dugo’t pawis ko ay iaalay ko
upang makatulong sa mga nangangailangan o may karamdaman na walang hinihinging
anumang kapalit. Period. Susi-padlock. No erase. Padlock tapon sa dagat. Kinain
ng pating.”? Superhero?! Pero, sabi nga nila ang buhay ay parang gulong, minsan
nasa ibabaw, minsan naman nasa ilalim. Kaya ayon, may ilang bansa pala na PMA
ang ganap. Pahinga Muna Anak sa pagtanggap ng mga nurses. Kaya naman aasa ka na
lang rin sa bali-balitang “sa taong ganire mag-oopen uli yung ganyan”. Pero sa
totoo lang, mahirap pala talaga ang mag-abroad. Akala ko kasi dati pag
naka-pasa na ng Philippine board exam madali na ang lahat. Yun pala, may
kukunin pang mga ibang exams para ma-qualify ka abroad. Nang! Unli-money lang
ang mga nagpa-aral sa amin?!
Pangatlo.
Siguro dahil na rin nakita ko sa yearbook namin nang grade school at highschool
na ang inilagay ko sa “Ambition in Life” ay Nurse kaya itinuloy ko na rin. Baka
ito na talaga ang nakaguhit sa mga palad ko. Saka bago mawala yung tatay ko e
iyun yung alam niyang kukunin ko pag nag-college na ako kaya talagang dapat
iyon na ang piliin ko. O sume-seryoso. Anyway, e kasi naman, noong bata pa ako,
akala ko dati pwede ka mamili ng gagawin kapag nurse ka na sa ospital. Balak ko
kasi noon, tulad noong napapanood ko sa TV, na may semi-circle na mesa sa
pagpasok mo ng ospital tas doon naka-upo yung nurse tapos sa kanya mo itatanong
kung saang room nandoon yung isang pasyente. Iyon talaga ako e. Hahaha.
Nakakahiya man pero may ilan akong kaibigan na nakakaalam na iyan talaga yung
gusto kong gawin sa ospital bilang nurse kaso pang pelikula lang pala ‘yon.
Hapdi.
At,
s’yempre naman. Instant galing sa ibang tao ang matulin na pag-iling sabay turo sa iyo at bitaw ng
“Ay! Matalino yang batang ‘yan!” kapag Nursing ang course mo. Di ba nga?!
Hahaha. If you only knew. ;)
Sapat na
siguro yung mga ‘yan para ibenta na naman yung sarili ko sa blog na ito. Sana
naman walang nainis sa mga pinagsasasabi ko sa post na ito. Peace! Hanggang sa
muli.
God
bless you!