Wednesday, July 25, 2012

Bad Mouth: a rant

     Ang sarap gumising sa umaga lalo at nabigyan ka ng pagkakataong makatulog ng labingtatlong oras. Ang lakas maka-bangkay ng feeling paggising mo --- yung tipong umakyat lahat ng formalin sa mukha mo sa sobrang pagkamanas at halos di ka maka-kilos dahil parang nagdikit-dikit na 'yung mga kasukasuan (joints) at litid mo sa tagal ng pagkakatulog mo. Gayunpaman, bago pa ako mag-inat ng katawan mas una ko pang ginawa ay ang tingnan ang cellphone ko, buong pusong umaasa na kahit isang text message man lang ay meron... drumrolls... 1 message received (lakas maka-3210 niyan). From: 4438. Oo, tama ka, load reward lang yan at di ko na babanggitin kung magkano dahil mahuhuli kung gaano ako kadalang mag-load. Kasunod kong tsinek ang twitter account ko. Ganun pa din, mga taong ginagawang diary, to-do list at chatbox ang twitter sa halip na gamitin ang direct messaging nito o mag-sign-in sa facebook at doon mag-usap. Yaman din lamang at nabanggit ang facebook, at dito naman talaga nag-ugat ang rant na 'to (walang talagang kinalaman ang mga naunang nabanggit, pang-intro lang.) e di ko akalain na dahil sa pagba-browse ko sa newsfeed ay makakagawa ako ng impromptu blog bunga ng pagka-inis sa nakita ko. (ikaw pa ang naging buena mano ko after 4 months) Di ko personal na narinig, pero batid kong isang babasagin at malutong na mura ang nais iparating sa status na ito, in all capital letters, na kadalasang sila nanay at tatay na lang ang gumagamit para mai-express ang galit nila sa mga anak thru text. Hindi ko alam, siguro nakasanayan ko lang na kainisan 'yung mga nag-i-immortalize sa internet ang mga nagsasabi ng iba't ibang version nila ng pagmumura, may pang-sosyal at may pang-jologs, mind you, kadalasan ilang babae pa ang gumagawa nito. Kainis din naman yung nagla-like neto. Kinunsinte ay! Okay na sana kung purong ganoong salita lang ang maririnig/makikita mo, pero hindi, kung minsan ay nagpo-post/share pa ng ilang Biblical passages or photos o basta 'di umaayon... di consistent! Bibigyan kita ng limang segundo para mamili lang diyan sa dalawa ang ipo-post mo, para di kami nalilito sa kung ano talaga ang prinsipyo mo.

Sana nga!
(my previous fb status dated April 18, 2012) Salamat, timeline.
     Paalala: Lagyan din ng Yin at Yang ang ugali sa itsura para kwits, 'di nagkakalamangan. Hahaha.
     Siguro may naiinis na naman sa akin ngayon. Eto ang linya mo, "'Kala mo naman kung sino 'reng nagnanaknak sa kabaitan!" (pout and smid.)
   Ehhh,wag ka gagawa ng hindi ayos kung ayaw mong naba-batas ka. Gumawa ka rin ng blog para maka-ganti ka. Hahaha. Aasahan ko na lang yung lalong pagkonti ng facebook friends ko after posting this. ;)
     Thanks for reading.
     God bless you.

No comments:

Post a Comment