Thursday, November 15, 2012

facebook rants (part 2)

there are lots of them! part 2.
     bale eto na ang ikalawang parte ng paghihimutok o obserbasyon ko sa ilang users ng facebook. nandito 'yung first part kung interesado ka lang naman basahin --> (click here) hindi ko na alam kung paano pa gagawan ng introduction yung blog na 'to, dahil napakatagal bago ko nasundan yung naunang parte, basta ere na. >.< 
  • The Inconsiderate. sila yung mga walang pakialam kung ano ang pinagdadaanan ng facebook friends nila basta mai-post lang nilang yung mga gusto nila. nariyang mag-post ng katawan ng mga naaksidente, biniyak na bata na nakalagay sa palanggana o anaconda na nakakain ng tao o hayop. hindii manlang inalala yung mga makakakita na maduduwalin o sobrang maawain na talaga namang tatangis 'pag nakakita ng mga ganun. yung iba naman magpo-post ng ke sasarap na pagkain na ang tanging misyon lang naman e gutumin ang mga makakakita o hindi, gusto lang talaga i-display na kakain sila nun. at ang masaklap pa pati picture ng plato o 'yung buong table pagkayari kainan e naka-post kupo! wala akong pakialam sa buto o mumo na itinira mo at ka-caption-an mo yan ng... "busog!" pft! alter-ego: the filter-less
  • The Spam Eater. hindi literal na imported na de-lata nauwi ng mga nag-aabroad kundi 'yung mga internet spams. ‘di ko alam kung bakit ganun na lang ang curiosity ng mga taong ‘to para bumuwis at buksan yung mga spams sa internet, lalo na nga sa facebook na kahit anung gawin e ‘di na nila pwedeng i-deny bilang bawat online friends nila e mapapadalahan nun o di kaya naman mag-a-appear sa ticker. nariyang kung ano yung ginagawa ng mga celebrities sa mga photos and videos, kadalasan may kahalayan. :D nakaka-engganya nga naman lalo na kung ang naka-display na thumbnail e... alam mo na. kaya lang, ang mas nakakatawa (sabihin na nating nakakahiya) lang pag nakita mo na yung mga nabibiktima nito ay 'yung mga di mo inaasahang humihirit ng ganon at pati na rin ilang babae. (pati ba naman sila?) :DD isang tuwid sa newsfeed 'yung trending ng pagpo-post niya ng spam. mahuhuli mo tuloy kung sino yung may ginagawang kababalaghan habang nag-i-internet. :D pong! alter-ego: the fishermen.
  • The Discreditor.  eto 'yung mga nag-gra-grab ng photos/videos, at mag-post ng quotations without crediting the owner or author. kumbaga sa kanila napupunta ang papuri na dapat sana'y para mga taong nagpapakahirap para gumawa ng quotation at nagdala ng camera sa tuwing may happening. o minsan maiinggit sa post ng kaibigan at magko-comment na "pa-repost?" well, then go to twitter! mga taong pwedeng hablahan ng kasong theft and plagiarism. o hindi ko alam, baka mali. basta alam ko may kaso para diyan. ask someone form Tito, Vic and Joey. XD *clears-throat
  • The Ultimate Lover. may ilan lang namang ganito na hindi yata nausuhan ng salitang inbox o PM (private messaging) kaya naman ganun na lang kung i-wall post ang punung-puno ng pagmamahal, walang pag-iimbot at buong katapatang messages of love niya para sa kanyang partner. maya't maya e nag-a-aylabyuhan at palitan ng " ♥ at :-* " sa newsfeed! wala lang load?! (aray! bumanda pabalik 'yun a) tatalunin pa ata 'yung mga pocketbooks ni Martha Cecilia sa tamis ng istorya at baka isa ka pa sa mga malungkot pag nag-break yan dahil naka-subscribe ka. pero, ganoon lang ata talaga ang nagagawa sa atin ng pag-ibig. waaah! cheesy! parang hindi naman ay! disclaimer: di naman 'to dala ng kapaitan. alter-ego: the filter-less
  • The Gamer. wag na 'tong pahabain pa dahil isa 'yung mga game requests nila sa mga dahilan kung bakit, temporarily, nagdeactivate ako ng account sa facebook. maramdamin ako e. XD alter-ego: the filter-less and the spam eater.
  • The Suspender. eto ang mga malulupit mag-post ng bitin. di ko alam kung saan nagsimula at sino yung nagpa-uso nung mga phrases na "yung eksenang..." at "yung tipong..." utang na loob, ineng! kung magpo-post kayo ng ganyan e kumpletuhin ninyo yung thought. lakas maka-bwisit. halimbawa, eto yung kadalasang nababasa ko: "yung eksenang nakita mo si crush." o? ano'ng nangyari pagkatapos nun? dali, ipaliwanag mo pa. aba e, lagyan mo naman ng reaksyon sa dulo para mabuo yung gusto mo iparating. sundan mo naman ng "...nakaka-kilig, sobra!" kailangan pa ba ituro sa iyo yan. pektusan kita e! biro lang. ;)
     unfriend mo na ko, ganyan ka naman e. hahaha. pasensya na ulit kung nandito ka na naman o 'yung kaibigan mo. >.< titigil ko na nga ito. pero pag may napansin na naman ako baka sakaling magka-part 3. may bahagyang punto naman yung mga yan diba kaya don't you tell that AMALAYER. :D pasensya na uli.
     thanks for reading!
     God bless you. ;)

Tuesday, September 18, 2012

Work out.

     I am like in the midst of chaos now just thinking of a simple question: Should I start working my ass out as a volunteer nurse or keep on bumming around here in my room and get spoiled? I know, in what I have accomplished—-passing the Nursing Licensure Exam and taking my oath as a professional, I should be working by now. But, I guess, I am not ready for that thing yet. Call me stupid for saying these reasons but I feel that I’m still young to get a job, not done with my resumé, doesn't have an ID picture, got no formal training yet and stuff. Tell me, am I just reasoning out for my procrastination? Honestly, the will for working, most of the time, runs in me. It really does. Yet, monster MDs and staff nurses give me creeps and that kills this will. Just having a thought of them lecturing and scolding you for doing less of the work because they don’t get the idea that you’re in safe-mode for your next move so what they’re doing to you now won’t happen and/or because you are in full swing that they think you are now crossing on their line of work (if you just know what I mean), terrifies me, big-time. I will save this week to chew over this dilemma and will hope to make the best plans and decisions.
     P.S. Hope, this one will not reach my mother or anyone in my family because if it does, I’m dead. >.<

Friday, August 31, 2012

rant: your RN? really?!


     Funny, how you recognize your reviewees as your own RNs when they've been utilizing their OWN knowledge and efforts throughout the whole 4 (or almost 5) years of searing brows (term I got from my highschool Alma Mater song. *wink) and hardwork just to imbibe nursing. We all spent much of these 4 years in our school, hospitals, clinics, RHUs, and in the community giving patient/client care and drained ourselves doing case studies, return demos, nursing care plans (NCPs) and stuff for us to gain competency and to prepare for the licensure examination. smileBut, why do these review centers keep on attaching their names, like somehow, claiming the breakthrough of each of the students who have passed the Nursing Licensure Exam as if those were theirs? Yes, you've been there to sustain for what's lacking for a couple of months or three to refresh the graduates' memory (giving you a credit for that) but, I think the schools deserve that credit more than you do, who had been there all through and/or might as well the students themselves.
     Just keeping it real. ;)
 Disclaimer: Sorry for the alternating person mode of narration.
     Thanks for reading.
     God bless.

Wednesday, July 25, 2012

Bad Mouth: a rant

     Ang sarap gumising sa umaga lalo at nabigyan ka ng pagkakataong makatulog ng labingtatlong oras. Ang lakas maka-bangkay ng feeling paggising mo --- yung tipong umakyat lahat ng formalin sa mukha mo sa sobrang pagkamanas at halos di ka maka-kilos dahil parang nagdikit-dikit na 'yung mga kasukasuan (joints) at litid mo sa tagal ng pagkakatulog mo. Gayunpaman, bago pa ako mag-inat ng katawan mas una ko pang ginawa ay ang tingnan ang cellphone ko, buong pusong umaasa na kahit isang text message man lang ay meron... drumrolls... 1 message received (lakas maka-3210 niyan). From: 4438. Oo, tama ka, load reward lang yan at di ko na babanggitin kung magkano dahil mahuhuli kung gaano ako kadalang mag-load. Kasunod kong tsinek ang twitter account ko. Ganun pa din, mga taong ginagawang diary, to-do list at chatbox ang twitter sa halip na gamitin ang direct messaging nito o mag-sign-in sa facebook at doon mag-usap. Yaman din lamang at nabanggit ang facebook, at dito naman talaga nag-ugat ang rant na 'to (walang talagang kinalaman ang mga naunang nabanggit, pang-intro lang.) e di ko akalain na dahil sa pagba-browse ko sa newsfeed ay makakagawa ako ng impromptu blog bunga ng pagka-inis sa nakita ko. (ikaw pa ang naging buena mano ko after 4 months) Di ko personal na narinig, pero batid kong isang babasagin at malutong na mura ang nais iparating sa status na ito, in all capital letters, na kadalasang sila nanay at tatay na lang ang gumagamit para mai-express ang galit nila sa mga anak thru text. Hindi ko alam, siguro nakasanayan ko lang na kainisan 'yung mga nag-i-immortalize sa internet ang mga nagsasabi ng iba't ibang version nila ng pagmumura, may pang-sosyal at may pang-jologs, mind you, kadalasan ilang babae pa ang gumagawa nito. Kainis din naman yung nagla-like neto. Kinunsinte ay! Okay na sana kung purong ganoong salita lang ang maririnig/makikita mo, pero hindi, kung minsan ay nagpo-post/share pa ng ilang Biblical passages or photos o basta 'di umaayon... di consistent! Bibigyan kita ng limang segundo para mamili lang diyan sa dalawa ang ipo-post mo, para di kami nalilito sa kung ano talaga ang prinsipyo mo.

Sana nga!
(my previous fb status dated April 18, 2012) Salamat, timeline.
     Paalala: Lagyan din ng Yin at Yang ang ugali sa itsura para kwits, 'di nagkakalamangan. Hahaha.
     Siguro may naiinis na naman sa akin ngayon. Eto ang linya mo, "'Kala mo naman kung sino 'reng nagnanaknak sa kabaitan!" (pout and smid.)
   Ehhh,wag ka gagawa ng hindi ayos kung ayaw mong naba-batas ka. Gumawa ka rin ng blog para maka-ganti ka. Hahaha. Aasahan ko na lang yung lalong pagkonti ng facebook friends ko after posting this. ;)
     Thanks for reading.
     God bless you.

Thursday, March 15, 2012

We all passed the course Competency Appraisal II!

     Though, ang rule sa klaseng yun e, "What happens in N6, stays in N6", wala na kong magagawa tapos na. :DD Sobrang sarap lang isipin na of all the sections that our instructor is handling, yung section namin ay isa sa ang lahat ng estudyante ay pumasa. Partida pa na katabi ng room namin yung dean's office sa lakas ng sigawan after announcing that nobody failed. Well, actually, may hirit muna after mangyari yun. Nagbanggit siya nga mga pangalan na di umano'y nakapasa, not in alphabetical order, she started from the highest among all, then random na. Yung tipong papalakpak ka na lang para sa mga nababaggit. Tapos natawag ako. "Thank you, Lord!" :DD Lasang langit! Then, tapos na. Siguro more than 10 students yung di natawag. "Okay, Tumayo yung mga di ko natawag." Tapos pinaupo rin. May naluha/naiyak na. (Malamang nga may nagtext na sa magulang na "Nay. T.T". Biro lang.) Tapos biglang sasabihin ng instructor na "Okay. Walang bumagsak sa inyo. Pasado kayong lahat." (Sigawan, taas ng kamay, palakpak) Knowing our CI di mo akalaing gagawin niya yun. Seryoso. Sobrang saya ng lahat at siyempre nakaka-proud na walang bumagsak sa amin! 

Group 1
Group 2
Group 3
Group 4
Paputiin na ang mga sapatos.







Nangangamoy DIPLOMA na! :DD












[photo credits to lorvic329]

Thursday, March 1, 2012

if only.

    salamat sa staff nurse ng pinag-duty-han kong ospital at nalaman ko ang movie na 'to. may magandang dulot talaga pag ikaw ang head nurse at nag-i-stay ka sa nurses' station. :D actually, di naman talaga sa akin, directly, sinabi 'to nagkataon lang nga na andun ako sa station nung i-suggest niya ang pelikulang to. akala ko isang boring na chick-flick na naman 're, mali pala. though, may pagka-imposible na mangyari kaya lang napaka-galing ng pagkagawa ng istorya. maka-durog-puso ba ga. sana mapanuod din to ng marami, whether in a relationship or not [*tangis (///-)] para na rin may peg next time. hahahaha. kupo! basta i-download nio na lang at panuorin. pede rin maghanda ng bimpo (huwag basta panyo o tissue paper lang) ihanda rin ang sarili sa hampas ng kasama mong manunuod, baka walang anu-ano'y... kiligin. :D


eto yung snapshot ng letter dun sa pelikula. malamang sa marami ang maka-relate. haha. basta panuorin na lang ninyo yung movie.


"They say there's always someone in a relationship who loves more. Oh God I wish it wasn't me."

Wednesday, February 1, 2012

goodbye mara-clara.

    'di talaga ako nanunuod ng MaraClara pero kahit papaano naman e may idea ako sa pinatunguhan ng istorya. paano nangyari?! ganito... here's the seating arrangement in most of our classes -- just imagine the four corners of a square tapos isa ka sa mga sulok na 'yon, 'yung natitirang tatlo e MaraClara ang pinagke-kwentuhan... 'di na siguro malabong masubaybayan mo 'yung nangyayari sa teleserye na 'yon kung naiipit ka sa tatlo. haha.

s'yempre nag-research din nman ako sa web. source: wikipedia
    na-isip ko lang na nakaka-MaraClara talaga 'tong layout ng blog ko, tas kuma-Kardo 'yung role ko. :D peg neto 'yung diary na kay tagal-tagal hinahanap e nakapatong lang pala sa tukador. ;)

talaarawan (MaraClara inspired) 'di ba?
    ayan ang sana'y pa-huling sulyap sa dating layout ng aking blog. i just come up with this post 'cause i'm planning to change my blog's theme (baka kasi 'di maganda tingnan). watchutink? haha. malamang sa mga susunod na post ko e iba na itsura neto. ayun lang naman. salamat! :D God bless y'all.

Saturday, January 21, 2012

facebook rants (part 1)

there are lots of them, really! :)
       dati ko pa dapat ito sinimulan e! 'di talaga 'ko maka-tiempo ng mahaba-habang oras para lang pagbulay-bulayan ang blogpost na 'to. though, andaming pumapasok sa isipan ko 'pag inaalala ko 'yung tungkol dito kaso nalilimutan ko rin dahil nga 'di naman ako nakakapag-take down ng notes lalo na at sa mga maling lugar pumapasok ang mga himutok ko -- habang nagkaklase, nasa biyahe papunta o pauwi galing ng school/duty at ang pinakamasaklap, habang nagbabawas ng sama ng loob sa toilet. kaya ayun, naipon na lang sa isip ko pero buti nanatili naman ang ilan. (drumrolls.) at ngayon, eto na! pag pasensiyahan n'yo na kung mahahagip kayo sa ilan sa mga nakalista dito, kung minsan guilty rin naman ako. haha. wag ninyo sana akong kamuhian, ito'y napapansin ko lang naman at minsan kasalanan rin ninyo/nating mga facebook users. ;) eto na, sisimulan ko na talaga.  (fingers crossed.)
     napakadaming mong mapapansin kapag involve ka sa ilang mga social media. minsan, may friends/followers ka na kakaasaran o kakatuwaan mo dahil sa lang sa mga posts nila o anything that they do with facebook. pero, ewan ko ba, kadalasan mas marami akong nakakaasaran dahil lang sa mga trip nilang gawin dito. at dito patungkol ang blogpost na 're. game!


  • The Mr. and Ms. Congeniality. sila 'yung mga maya't maya e makikita mo sa news feed na, "mr./ms. congeniality is now friends with..." argh. 'di mo alam kung naiinaman ba sila sa idea na paramihan ng friends sa facebook. yung tipong basta may nag-appear na request, e wala nang profile check... accept kagad. tapos kadalasan, sila rin 'yung dalawa yung account, tas ise-share din niya sa previous account niya, ano!? para mapuno ule? (fan page kaya ang gawin mo!) if he/she could just make friends with his/herself, he/she'll do it. asahan at abangan mo din, panigurado, magpo-post 'yung mga yan na, "HaiZt,,, k3LaN6aN qUH Na +aLa6a Ma6-uNfr!3nd n6 'd! kaK!LaLa. s0w33 feUh.. " umamin ang putek at jejemon pa! :)) (seriously, natagalan ako sa pag-type ng dialog niya.)
  • The Ever Gratefuls. sila 'yung mga regular posters (tama ba yan?! O basta the one who posts. haha.) ng statuses, photos and self-titled photo albums na oras na i-click mo 'yung makapangyarihang hinlalaki sa ilalim ng post niya... ayy, agad-agad kang papasalamatan with your name mentioned and/or tagged. if her post had 15 likes, for example, 15 thanks'/thank you's/salamat's din yung nandun. seryoso. 'di ko alam kung very flattered lang siya o misyon niya mag-trend sa news feed ang post niya. offline pa yan minsan, kuno! pero pag may nag-like, yay! wagas na pagpapasalamat ang hain niya. 'di masamang magpasalamat pero tandaan mo rin na 'di lahat ay tapat sa sinasabi nila, kung minsan hinuhuli ka lang. alter ego: self-worshipper at fisherman.
  • The Self Worshiper. siya 'yung poster (pangalawa na 'to. haha) ng photos, or worse, photo album na ang laman ay pictures niya (malamang) pero hindi, pictures niya in chronological order, walang bura-bura, direcho upload, iisa ang suot (pansinin mo) but his/her face in different angles. yesss, pouted lips, puffed ang cheeks, naka-japan pose, anit-shots with eyes looking up, o yung ninoy aquino, 500 peso bill pose na pa-cute/korean at marami pang iba. tignan mo na lang pictures in thumbnails, mabubuo mo yung istorya, pramis yan. :) (wag mo ila-like a, baka mamihasa. jk. pag me itsura, sige pwede na din. ;)) alter-ego: the fishermen and the ever gratefuls.
  • The Fishermen. eto naman 'yung mga alam mong nangunguha lang nga atensyon sa facebook whether thru their status, photos and/or videos. nag-aabang kung sino kakagat sa pain nila. ang caption? in all capital letters pa yan para lang mapansin. their usual post... papalit-palit ng relationship status, mga "this world is not for me, i wanna die. (slash.bleeding.dead.)" posts, at mga suppose-to-be private photos or videos e ina-upload pa para lang mamalakaya ng likers. (o nalaliman ka? mamalakaya, mangisda ba.) kung bakit kaya 'di ka gumawa ng scandal? jk. e, sa totoo lang, 'di ko nila-like yung mga posts na 'to. haha. (sana kayo rin.) isa pa tong lubos kung mamihasa habang pinagbibigyan e. alter ego: the ever grateful and the pathetic.
  • The Ranter. eto 'yung mga walang ginawa kundi sabihin ang lahat ng pag-iimbot at hinagpis sa kung anuman ang mga nakikita o napapansin nila. naghahahanap ng babag kumbaga at maging ng kakampi nila. kung minsan may kat'wiran at mapapa-tango ka sa sobrang pagsang-ayon, kung minsan nakiki-uso lang. mga ipinanganak upang sulitin ang demokrasya sa bansa, lumabas na suhi sa sinapupunan kaya ayan labis rin ang pag-ire ng mga himutok. humihingi ako ng dispensa, sabi nga ng boyband na blue, "then, i'm guilty". ;D
  • The Public Person. sila ang mga walang habas na gumagamit ng check-in feature ng fb. updated ka kung saan sila naroon. lalo na kung nasa mall ito, malipat lang yata ng boutique isa-shoutout na kung nasaan siya. (may angas.) at ultimo 'yung bahay nila isinasama pa 'tas dume-there's no place like - at home. alam mo, kung may gustong pumatay sa iyo, natunton ka na dinamay mo pa pamilya mo. bumiyahe ka ng tahimik! alter ego: the filter-less .
  • The Pathetic. "pa-like naman ng status/post ko. thanks. :3" iyan ang karaniwang linya niya sa pag-PM sa iyo. nakakaawa di ba? kadalasan rin niyang gawi ang i-like ang sarili niyang status. 'di makapaghintay na gustuhin ng iba ito. wag kang magpapasikat ng alas-sais o alas-siete ng umaga, di pa gising ang iba, hintayin mo ang posting hours, 7pm onwards at dun ka pumalahaw. kung ala pa rin talagang nag-like, malamang 'di nila talaga nagustuhan o suya na sila sa kapo-post mo at utang na loob, wag kang maging desperado na i-PM ang online friends mo para i-please sila. lalo ka lang magmumukang aba o di kaya naman kamuhian ka na. :))
  • The Filter-less. madami niyan. walang ibig ipahayag kundi ang activities of daily living (ADLs) o ang to-do list nila with location. matuto kang mamili ng ii-immortalize mo thru internet. di namin kailangang malaman kung mag-aanak ka sa binyag, magrereview ka for the exam, pupunta ka sa lamay o kakain ka. teka, 'di dapat maging kaugaliaan na kumain sa harap ng computer para lang i-update kame. "natinik pa 'ko." ayy, bakit 'di mo kaya unahing lumunok ng isang tumpok na kanin o ng saging mapa-lacatan, la tondan o saba pa yan o kaya'y agad na magpahilot sa kunsinumang ipinanganak na suhi para ipatanggal yan. (sana tinik ng aruwana 'yang nakadali sa iyo. jk.) para ka na ring nagbigay pahintulot para ma-invade ang iyong privacy. alter ego: the public person.
  • The Scoreboard and Sports Analyst. eto naman ang maghahatid sa iyo ng balita tungkol sa sports. kung nataong may laban si pacquiao at wala ka sa bahay para mapanuod ito, wag ka mag-alala, log on to your fb mobile, andun siya, every round may insight sa laban. badtrip pa kung nasa ibang bansa siya na live na nakakapanuod, nakakawala suspense. :)) merun din naman na ginagawang scoreboard ng volleyball/basketball game ang fb, talagang sasabihin niya ang score kung kesho natambakan na ba o ano pa'ng nangyayari. magfocus ka na lang sa panunuod jan 'di yung dapat mo pa sabayan ng pagpe-facebook. pasikat 'tong naka-cable na 'to. (pait.) haha. alter ego: the filter-less.
      ayan na nga lang muna. baka marami nang magalit sa akin. kung sino ka man, wag mo munang itodo 'yung galit mo kasi may susunod pa at baka nandun ka pa ule. haha. biro lang. 'di naman masamang gamitin ang mga social networking sites gaya ng facebook, kaya lang parang pag-inom lang ng alak 'yan... in moderation dapat.
     thanks for reading!
     God bless us all!