|
least thing you can do... |
i am missing bataan, right now. ewan ko ba, simula ng pag-usapan namin ng dalawa ko pang classmate 'to while we were having our late-lunch last tuesday, naisip ko na ang dami ko nga palang na-miss when we were there.
|
take a souvenirshot outside the institution. |
unang-una na, bilang bagong shuffle lang ang sections ng batch namin noon, syempre, malamang na karamihan sa kanila e 'di ko talaga kakilala, so kung sakaling me mga pagkakataon na magka-bonding kame ng iba, whether in the boarding house, sa tabing-dagat o while having our duty/break in mmh (mariveles mental hospital), ayos lang, let it happen, kala ko kasi that's a usual moment with them -- not knowing that there will be a time that i'll regret not knowing them more, taking pictures with them and of course, making friends. ako kasi 'yung kung sino lang ang madalas na kasama, dun na lang ako... bonus na kung may mag-initiate na makipagkaibigan kaso bibihira ang gumagawa nun sa akin kasi 'di daw ako mukang friendly and approachable. (akala mo lang 'yon!)
pangalawa, not bringing a camera. though, one of my classmates kept on reminding me to bring my cam on our second week. tas nung mismong araw na ng pag-alis namin, i intentionally left it. ambigat kasi, mana pa sana kung handy digicam lang, e kaso hindi. tas ayun, maling desisyon na naman pala. 'di ko naman kasi inasahan na on our second week medyo papalagay na 'yung loob ko sa iba at papayagan din kaming mamasyal, isang araw bago kami umalis. haaay. (di ako na-brief!) kaya ayun, pag-uwi ko wala akong ma-browse na pictures at ang malupet pa, na-corrupt ang files sa cellphone na tanging pinanghahawakan ko. oh, kay saya!
|
mariveles' pride! |
at pangatlo, not bringing extra money for a mariveles-made jansport bag, though, konting panghihinayang lang naman 'yon. tingin ko kasi requirement/package deal na 'yun pag nag-duty ka sa mmh, na dapat pag-uwi mo ng bulacan e merun kang mariveles-made jansport bag. nakaka-pressure! siguro halos kalahati ng section namin e bumili no'n. take note: customized ang bawat designs. waaaag kaaa! gusto mo ng plain color? o review your color wheel, merun sila nian. prints and patterns ba 'ka mo? meron din. at, pwedeng suede ang ilalim ng bag, may texture! malapit sa katotohanan 'yung itsura sa original. kaya di malayong dumami ang parokyano ng pagawaan na 'yun. haha. kaya lang, sa tingin ko, mas ayos na bumili ng local kesa imitation.
you: "oy, ang arte-arte mo. mahirap na buhay ngayon kaya wala kang paki-alam kung bumili kami ng imitation! amp!"
oo, ikaw yan, don't deny it! 'di naman sa maselan, kaso para sa akin, once na gumamit ka ng imitation, whether class A, B o isagad mo hanggang Z ('di ko alam kung ilang letra sa alpabeto ang ginagamit jan!) mapa-bag, sapatos or damit pa 'yan, e baka wala nang maniwala sa 'yo sa panahong gamitin mo na 'yung original. so, kung isa ka sa mga bumili dun at alam kong ngayon minumura mo na naman ako, e itigil mo na, nakabili ka na. iba naman ata ang paniniwala mo sa akin e. okay? in the end, 'di ako bumili--nanaig ang prinsipyo! :D
our 8-day stay in bataan wasn't enough! nakakapagod 'yung i-recall at isulat mo lahat ng napag-usapan ninyo ng pasyente mo at i-relay sa c.i. thru the n.p.i. (nurse-patient interaction) "every day"! 'di lang 'yon, kailangan nun ng analysis, kung anong therapeutic at non-therapeutic communication technique ang na-utilize mo! tas pag balik sa iyo ng papel mo, at may mga pulang ballpen, irere-write pa 'yon! "sir, nakaka-kamachile ng daliri 'yung pagrere-write kung alam mo lang. putok pa!" pero pag nasa boarding house na kami, sobrang saya na! kanya-kanyang hirit na 'yon -- kung trip mong pahampas sa hangin sa tabing dagat, pumunta sa bayan at mamalengke, o magpakabulok at maghintay ng multo sa loob ng room, e nasasayo na. :)) (now playing: sana maulit muli - gary valenciano) nakaka-miss e!
here are several photos taken from our mmh duty last february to first week of march. obviously, i am not the one owning these photos.(courtesy: fides and sir aner)
|
on our way to mariveles! oh, look at the sun rays on our face... OHSAM! |
|
stolen shot (literally) inside mmh after the acquaintance party. |
|
photo taken sa putol na kalsada, sa tabing-dagat. |
|
with fides. the only girl who enters the boy's room anytime she wants. :) |
|
'yan ang mga ka-share ko sa foods throughout our 2-week stay in bataan. |
|
sinusubukan kong i-recall kung anong ginagawa namin sa itaas... kaso di ko maalala. |
working my ass out to make some good visuals to present for our patients.
actually, those were already done but i need to pretend like working on it, again, for the documentation.
|
group 1. "sir, ano'ng ginagawa mo jan?" |
|
group 2 |
|
group 4 |
|
the group where i belong! (wink) |
|
bs nursing 3c a.y 2011 |
uwian naaaa! :(
you might think that the pictures above had no relation na to the title, but, for me, it still has! i'm loving my new classmates now. ang babait kasi ng mga 'yan. seryoso. not that my former classmates weren't, but if i could just spend another school year with them, i'd take it! just to know them better. (kung gusto lang rin naman nila. "kala ninyo classmates 'di ko kayo na-a-appreciate ano?") haha. ganito ba talaga pag malapit na mag-graduate? argh, if i could just get back my diary in mmh, i'll re-post more 'bout my duty there. kinarir ko kasi yung diary na 'yun kahit na puro kalokohan ang laman. subukan ko kayang kunin kay sir! :)) wish me luck!
thanks for reading!
God bless us all. ;)