Wednesday, November 16, 2011

what the facts! (part 1)

here are the first 5 things that not all of my friends or classmates kner about me. (may mga sub-facts pa 'yan so, i guess, 'di lang 5 ang anjan.) i hope this would not mean selling myself out to everybody. :D let's start!

1. no music? oh, kill me!
      wala yatang araw na 'di ako makikinig sa music (siguro karamihan naman ng tao ganun din). umaga pa lang, kasabay ko na sa banyo ang music player at 'yung red speaker (siguro nakita na 'yun ng iba sa inyo) o kung hindi man, magpapatugtog ako ng malakas, 'yung aabot ang tunog sa loob ng banyo. singing along with my playlist is one reason kung bakit nale-late ako paminsan... (okay, i've seen your face, sige... consistent late-comer na 'ko.), to the point that i'll stop brushing my teeth kapag maganda 'yung tugtog. pag sa banyo ka kasi kumanta, parang walang mali sa boses mo, tama?! huwag ka rin magugulat/tatawa/maaasar kung makikita mo ko 'pag nakasakay sa jeep na kumikiwal-kiwal 'yung bibig habang nakikinig ako sa ipod on its "maximum" volume, sinasabayan ko kasi 'yung kanta... i can't help it! mahuhulaan mo din sa kadyot ko kung ano 'yung pinapatugtog ko -- pag nagba-bounce 'yung ulo ko o nagta-tap 'yung daliri at paa ko, obviously, up-tempo songs 'yun; kapag nakayuko naman ako o, mas malala, nakasilip sa bintana, mellow tracks 'yon, fo'sho'. haha. baliw ba ga! and i am not really a fan of o.p.m. (sorry.), but i am not saying that i hate those songs... nati-trigger kasi 'to pag may sobrang masakit sa tenga na kanta, isa na 'yung may "coco martin" lyrics sa chorus. arrgghh! kasura! at saka ayokong may nauuna sa akin maka-alam o magsa-suggest ng bagong kanta kasi 'di ko papakinggan 'yon kahit ano mangyari. (it's pride-day!) :D


2. <3 butiki. :P
      no, actually, i don't! 'di naman sa maselan pero kaya ko pa naman 'yan tingnan mga dalawang dipa ang layo, pero 'pag pasugod na. ayy! wala na. mas mahahawakan ko pa ang antena ng patay na ipis pero kahit patay na butiki, e huwag! (scoliodentosaurophobia: fear of lizards. source: flickr. ohh, lakas maka-kuya kim nian!) nadapuan na kasi ako nun nung minsang bumibili ako sa tindahan, malamig tas madikit, piglas agad! and one time nag-trip 'yung nanay ko (nay, quota ka na sa posts ko. :D), she asked me to take a peek outside the window to check what our dog was doing. e ako excited pa... from the dining area to the room, silip agad! not knowing may butiki pala sa gilid at nakasingit siya dun -- kambyo (thanks to my good reflexes!), then they all laughed at me. it was my closest encounter with that reptile. arrrr. mga kaibigan, wag n'yo sana gawing panakot sa akin 'to ngayong alam n'yo na ha. please!?


3. i have a mighty sense of smell.
      'di ko alam kung ka-abnormalan ba 'to kasi nagtataka ko, sasabihin ng iba, "di ko maamoy may sipon kasi 'ko." sh*t! e bakit ako pag may sipon, mas malupet 'yung pang-amoy ko. "what is happening with my olfactics!?" nagtatalo pa din sa akin kung advantage ba 'to o disadvantage. :) like, 'pag may umaamoy na paa ('yung nilagang saging na saba version), though, 'di ko naman sinasabi na ambango lagi ng paa ko whenever i remove my shoes after a long walk/day, pero kung paa mo 'yon, alam mo sana na sa 'yo galing 'yung amoy oras na tanggalin mo yung sapatos mo (actually, kahit di tanggalin e, kapag nakaupo... 'yung ilabas mo palang 'yung sakong, ganun katindi.). seatmate, kaya ko mag-control ng pagpuna, pero 'yung pang-amoy ko 'di ko kaya i-control. maawa ka. :D knee-high, ankle-high and even foot socks are within reach now: siguro kahit isa sa mga 'yan e magagamit mo sa sapatos na susuotin mo o 'di kaya naman mag-foot powder ka.



4. i do not want anyone to touch my hair.
      "hawakan mo na lahat, 'wag lang 'yung buhok ko." o hindeee! kasi 'di ko kaya pangatawanan 'yon. :) but seriously, i am so pissed when someone's messing my hair up. (kung alam mo lang 'yung hirap ko maayos lang 'yan! grr.) hawakan mo 'yung gilid pero ibalato mo na sa akin 'yung taas! this is also one of my accounts for coming late in our classes and duties 'cause (badly!) need 5-10 minutes to fix my hair the way that i want it to look like (yamu nang ma-i.r.!). pero mas badtrip kapag umuulan, kasi oras na lumabas ako ng bahay, ayii, asahan mo lagi kong hawak 'yung buhok ko. :D


5. i have the weirdest armpit!
     hindi weird-looking aah. ;) tingin ko lang nag-red bull 'yung sweat glands na nasa kili-kili ko, kaduperhyperactive! normally, kapag mainit papawisan naman talaga 'yan, sobra nga lang. sa jeep pa lang, 'yung tipong gusto mo na ikalang ang siko mo sa bintana para lang mahanginan, (wooo, refreshing!) pero dahil nga siksikan e nakakipit ka tuloy. ang abnormal e, kahit ba naman sa air-conditioned places, mapa-classrooms, malls, at sasakyan e papawisan pa din?! pakiramdam mo nagso-solidify 'yung antiperspirant/deodorant na nilagay mo tas mamaya babalik ule sa liquid state niya. hahaha. funny but true. kaya kapag 'di ako naka-school uniform, pinapakiramdaman ko pa kung pwede ko itaas 'yung braso ko kasi nakakahiya talaga kung may makakita. :D

tama ako! sobra-sobra na 'tong nabigay ko. :) magka-part 2 pa kaya?!

thanks for reading!
God bless us all. ;)


No comments:

Post a Comment