Sunday, November 20, 2011

we're gonna party like it's my birthday!

     naging malaking tanong ko sa sarili kagabi kung magpupuyat ba ko o hindi (kahit na gabi-gabi naman akong late matulog.) kasi naman magbe-birthday ako kinabukasan at nakaka-stress isipin na baka 'pag may nakakita sa akin na naka-online ako e sabihin naghihintay ako ng greetings ng 12a.m. (lakas maka-high school ano?) :) at ganun nga ang mga sumunod na nangyari... may classmates ako na nagtext. nakakatuwa naman na nag-greet at nag effort sila ng 12am kaya lang pagka-reply ko, excitedly, e ang pagka-sagot nila:
texter 1: "Gcng pa talaga?haha. Sinalubong ang araw ng kpanganakan.haha.see u later. o:" 
eto pa:
texter 1: "...hoo,rereplyan mu lng nyan mga babati sau eh.haha" 
eto naman ang isa pa:
texter 2: "...Ayie.my bumbati nb? Di pa tulog oh.naghhntay ng mga babati.haha."
     at kahit anong gawin kong pagpapaliwanag sa kanila, ipinipilit pa din nila na ganun ang motibo ko. (siguro ganun ugali ninyo ano? haha.) kaya ayun, kahit na may mga bumati sa facebook, habang naka-offline ako (kuno!) e pinilit kong huwag replyan... kasi naman e baka matanggap ko na naman 'yung ganung impression. :( ayun, kung kadalasan alas-dos ako matulog, napilitan akong humiga sa kama ng ala-una! di ko talaga kaya, buti natapos 'yung dina-download kong "praybeyt benjamin" at pinagt'yagaan kong panuorin kahit pirata. (hirap kasi magpanggap na inaantok.)
    kanina: s'yempre, i checked on my inbox! ayun. may mga bumati nga. hahahaha. salamat kay aling puring (alam mo na kung sino ka!) at niregaluhan niya ako ng 20php worth of load dahil daw 20years old na ako. tam-is! na naging daan upang makasagot ako sa mga texts sa akin. :) then, when i went to school for our review (opo, sabado!), my friends/classmates greeted me hanggang sa umabot na 'yung awkward feeling na magkakasabay-sabay ang pagbati tas 'di mo na alam kung kanino ka na magpapasalamat... ayy, nakahiya talaga! good thing, wala pa 'yung reviewer when i entered the room, so i was expecting my classmate na sasayaw siya habang kumakanta kami ng happy birthday song; which we have agreed before that she's gonna perform it whenever someone's celebrating his/her birthday, panata ba ga. e kaso sa dami ng tao sa venue (4 sections lang naman ng 4th level ang pinagsama-sama) e mukhang umurong at tinablan ng hiya. 'di pa din kami nawawalan ng pag-asa hangga't 'di natatapos ang araw kasi pag 'di siya sumayaw e 'di talaga namin siya papansinin. :) buti na lang may naihanda siyang paunang pampasiglang bilang na 'di na kailangan tumayo pa. readers... please welcome, ariel! oops, i apologize, for she looked like ursula in the video. lol :D




    tas kasi may ka-birthday din ako dun na classmate ko. nag-greet kame sa isa't isa... at ano'ng tawag doon---kwits! haha. and we were talking, secretly, 'bout the treat issue during our lunch break... na walang librehang magaganap. :D
    same day, i need to pay for my tuition. kinailangan kong i-extend ang a.m break ko para sa cashier at lunch break naman sa registrar. and "thanks, God!" 'di ganun kahaba 'yung pila at mabilis ang usad. ayun... enrolled!
   here's greatest part: nung afternoon break ambilis ng paglabas ng mga classmates ko, halos ako na lang 'yung naiwan sa room. so i signed the attendance tapos labas na ko kasi gusto ko bumili ng inumin. 'pag tulak ko ng pinto nakakulupol sila sa "sala set" kuno ng hostel... ahh, wala na, me plano ang mga 'to. i tried to walk away kasi bibili nga ako ng inumin tas hinila ko at may cake nang hawak ang isa. tam-is! 'di ko alam magiging reaction ko kasi 'di ako sanay sa mga ganung tagpo, first-time kasi 'yun! salamat! 



     look at their caption and comment, dito nagsimula e. nagdududa na 'ko... pakiramdam ko tuloy may alam sila sa kalusugan at natitirang oras ng buhay ko kaya ganyan ang mga gawa nila e. haha. o siya, hayaan ninyo nang ang video pictures at sa ibaba ang magpatuloy ng kwento. :))




'di pa rin ako binigo ni pumba sa special number niya! salamat sa 'yo!

gg blasters, maraming slamat! :D
maiba naman... lengthwise ang pag-hati. haha.
o sige crosswise na, baka ma-hit 'yung buntot ni PUMBA!
lonny: "unahin mo ko! aking 'yung gilid ha?!"
grace: "basta, maganda ako!"
banatan mo na new boy! ;)
never kong ni-require sa birthday ko na dapat nakatikom! ananyare adet at cat? :D 
meet PUMBA with her tail! :D ayayayayayay!
pumba, saan mo ilagay 'yung hawak ko? bakit iba na 'yung amoy?!
grace and lonny. salamat! :)
alalay sa pag ngiti/ngiwi, baka may nakasingit sa ngipin.
huwag tularan! :D
     gg blasters, maraming salamat talaga sa munting handog ninyo. kahit 'di natin napatunog 'yung kandila, wag mag-alala...tumunog siya dito sa bahay. God bless us all and may we, not only pass, as what our reviewers always say, but top the boards this july 2012. God bless batch 2012!
     at pag uwi ko ng bahay ay may munting piging din pala na inihanda si nanay at ate. :)) ang naglulupasay na spaghetti and cake!





     salamat po! tatay, nanay, ateru, kuya at kim, mahal na mahal ko kayo! at salamat po Lord God sa buhay na 'to! :)


     this is one of my most memorable birthday celebrations ever! maraming salamat muli sa lahat ng bumati in person, thru text, and facebook. God bless us all. :)

No comments:

Post a Comment