Thursday, November 10, 2011

last enrollment: the assessment.

this calls for an update!
     our school's trending now, i guess. 'di lang sa social networking sites kundi sa bawat bahay-bahay. kaya 'di ko matatanggap na out of the 22,000+ who liked the BulSU page, only 295 are talking 'bout it. (mark zuckerberg, pa-update naman ng page!?)
     this day was very tiring, dehydrating, exhausting, embarrassing and disappointing! (oo, puro negative adjectives ang dapat kong gamitin.) 'cause we're having the last enrollment of our college life na dapat paka-enjoyin na lang at kakitaan mo ng kapositibohan, kaso 'di mo magawa dahil sa madadatnan mo sa school na kay habang pila tas sabayan pa ng init ng panahon... ayy! laging kalbaryo 'to! unang-una, 'yung paggising ng maaga (na alam ng lahat na 'di ko hobby), well, nag-alarm 'yung phone ng 5am, sinubukan kong bumangon, e 'di pa talaga kaya ng katawan ko (bakit ko pipilitin, 'di ba?) pero nagising naman ako bago mag 6am. tas, nadating ako ng school ng 7:30am (na dala-dala ang ipod: package deal 'yan pag enrollment, reasons? 1. para-maaliw, 2. para nasa beat ang lakad pagdaan sa mahahabang pila at 3. para 'di mo marinig ang sasabihin ng nasa likod mo oras na sumingit ka.), so i went to our building first at nagbabakasakaling may makasabay papunta kaso wala talaga. wala akong masingitan na malapit kasi may number na sila, kaya nalagay ako sa isa kong classmate na malapit-lapit naman sa katotohanan 'yung pwesto. 'yung right wing ng gym e halos puno ng 'di pa nana-numberan na estudyante, sumugal kame na sumingit (wrong move: first, i was wearing yellow so kitang-kita ako. ikalawa, tatlo kameng sumingit sabay-sabay). sabi tuloy ng westlife...obvious! nait ko na ngang 'di ituloy ang pagsingit nang marinig kong sumigaw 'yung isang babae, "gwapo ka pa naman sana, madaya nga lang." (in-assume ko na ako 'yon!) haha. "ate, sorry na. sige di na ko sisingit." joking! gwapo pa din naman madaya lang, okey na 'yun. haha. then, we tried to squeeze in ourselves on the bleachers kaya lang, there's this guy sa likod namin na nagsumbong! (badtrip!) uubra na sana 'yung palusot kaya lang andaming gumatong. kaya umalis na kame. (namutla ako nun tas nanginginig 'yung kamay ko habang binabagtas pababa ang bawat baitang ng blitser.) sobrang nakakahiya 'yun. ang grabe pa, nawala 'yung pwesto namin na malapit sa katotohanan, kaya back-to-zero... dun kami na-pwesto sa third gate...dulo! kameng tatlo, hawak ang mga cellphones at sinusubukang makapag-palakad sa loob para 'di na pumila. kaso wala talaga. kung hindi pumasok e wala pa sa school. nadagdagan kame, si kulot! haha. minutes later, bumibilis ang usad, kaya pala... pupunuin namin ang gym para sa numbering. (drums rolling...) your number is....  1..2...9...0. "lunch tayo!" haha. (anlakas ng loob umalis ng pila.) tip: kapag enrollment, wag o-order ng chicken fillet sa McDonald's! in case that McD doesn't know some differences, eto:

source: allwords.com
source: wikipedia.com
     magkaiba ang sangkap at itsura ng chicken fillet (or what i call "chick-fillet") sa hash brown! mura din ang cornstarch para mapalapot gravy; magtahip at ayusin ang pag-unab ng bigas. baka magalit si bimby n'yan: hindi chulit (getting more that what we paid for) at chik-chik (full of nutrients). okey? habang pabalik ng school,  nag-activate ule ang sweatglands ko. :) tas nung tinanong namin yung nasa pila, number 600 daw siya. aah, bale 600+ na lang muna bago kame?! nooo, this needs an intervention! though, madami na nagsu-suggest na dun kami pumila sa re-assessment, bilang nakalusot sila, e tinanggihan pa din namin. ang hirap kaya magsinungaling (seriously!) at mapahiya pag mabuko 'yun. e di dalawa na lang kami ni kulot. pride! walang kisame ang gym, tanghaling tapat kaya di kami pumanik ng bleachers. (mana pa kung may baon kameng oresol para di kami madehydrate.) nakasama pa namin 'yung mga classmate namin na diretso sa student government office kung magpa-number para sa cashier. kaso, sawi din! :) "last na 'to"... then i texted my sis na ka-rubbing-elbow 'yung guard sa maingate! voila! by 1pm (na dapat sana 2pm pa ang duty ng guard) nabigay na namin sa kanya 'yung evaluation form namin... still hanging... bukas ko pa makukuha sa kanya. :D
     among the 11 enrollment processes i've been through in college, i must say, this is the worst! wala pa ding sistema. good luck freshmen/soon-to-be freshmen! more on your way! and "sorry, Lord, for i have sinned. andami kasing 'di tama sa mga taong dumadaan, ayun tuloy napuna namin. p.s. kasalanan po din nila. haha." jk.

thanks for reading! God bless us all.

No comments:

Post a Comment