Saturday, December 24, 2011

it's a merry Christmas... still.

miss ko na kayo -- kuya at kim. :)
     it's less than 21 hours before Christmas and i am still upset with the thought that we're celebrating it without my kuya and kim. though, it's not the first time that my kuya's out for holidays, knowing that he's not in the country (so, i can deal with the pain. lol. jk.) but, not having my little sister, kim, for the first time this Christmas is one thing. the fact her bosses on her ojt didn't allow her to leave the training on that day, it really sucks. naaawa ako sa kapatid ko kasi ngayon lang namin siya di makakasama sa noche buena at mismong araw ng pasko. i will miss how her diet fails during this season cause she can't resist the food and sweets we're preparing/we've prepared and how we're competing on who's getting more aguinaldo's mula sa napapamaskuhan namin kahit na matatanda na kami. :)) few hours ago she texted me,
kim: Kuya king.
me: Bakit?
kim: Ala lang. :( d ako jn pasko.
 
me: Oo nga e. sayang. bakit ba di ka nakauwi ng monday? ingat ka jan.
kim: Ewan ko b sa mga epal na b0s ko. Miss ko na kayo jan. Sayang di ako jan makakakaen ng n0che buena.. Pero new yr jan tlga ko kht anu mangyre
me: oo nga. tumakas ka kung kailangan. haha. jk. ... ingat ka jan ha. youth christmas party bukas...
     i can really be a supportive brother in a bad way. jk. but what can i do, i just want my sister to be here, at least, on new year's eve and new year.
     i just have to enjoy this holiday with nanay and ate. kaya naman namin gumawa ng sariling ikaliligaya kasama ang mga kamag-anak at kapit-bahay. kumain na lang ng marami at magpakabusog. anyway, this season is all about Jesus' birth and He's the one who should get all the credits, be honored and glorified. Maligayang kaarawan, Jesus! :))


Merry Christmas to y'all -- families, friends, classmates and countrymen! God bless us all. ;) Spread the LOVE! <3

Friday, December 16, 2011

salamat nanay!

dati pa 'tong litrato na to kaya mataba pa ko jan. :)
     i just had a good time with my college friends and when i was on my way home, (actually, naglalakad lang ako dahil sira ang motor, at saka malapit lang din naman kasi) bigla kong naisip 'yung mga tinapay ng bakery sa may kanto sa amin na animo'y nanghahalina para kainin sila, at ngayon e medyo nausad na kasi ginagawa 'yung bahay sa likuran noon magmula nang bumaha, o adi bale wala na siya sa kanto namin pero malapit pa rin naman. (ang gulo!) anyway, wala ka namang yatang pakialam sa lugar kung nasaan yon. kaya, habang naglalakad ako napaisip ako kung dadaan ba ako dun ng ako lang o uuwi muna ako, 'di naman kasi ako sanay maglalabas ng kalsada. naisipan ko na umuwi muna at susugal ako sa pagkakataon kung sasamahan ba ko ni nanay para makabili lang dun. 'di ko rin alam kung bakit ko gusto bumili e busog naman ako.
tumutuktok...
king: "nay, bless."
nanay: (abot ng kamay) "kumain ka na jan."
king: "e kumain na ko dun." 
nanay: "dapat pala 'di ko na niluto 'yung baboy... teka, 'yung sukli ko?" 
king: "o eto walang bawas. e nay samahan mo kaya akong bumili sa bakery." 
nanay: "naman, amaya na. pagtapos ng isang palabas."
king: "ngayon na e mabibitin ka pa n'yan lalo. saglit lang naman 'yun." 
nanay: "naman pala." (tumayo, tinurn-off ang tv at ang ilaw) 
habang naglalakad nang magka-akbay...
king: "bukas pa kya iyun?" 
nanay: "oo naman. kala ko ba kumain ka na?!" 
king: "oo nga. giniling saka adobo." 
nanay: (masama ang tingin) "o bakit doon kumakain ka ng adobo?!" 
king: "e giniling lang 'yung kinain ko 'no."
nanay: "nakooooo!" 
     at nung nasa bakery na kame, wala akong nakitang custard cake at egg pie. saklap! adi ayun bumili na lang ako ng tig-sampung pisong brownies at spanish bread. at tig-six pesos na crinkles at hopiang baboy. para akong bata kung mamili kailangan sa kaunting pera ay marami akong matikman. susubukan ko lang kasi ule 'yung crinkles at hopiang baboy 'di ko na kasi maalala 'yung lasa.
  at pag-uwi namin sa bahay, binuksan kagad ni nanay 'yung tv at nagrereklamong tapos na ang amaya. sabi ko naman nakaka-isa pa lang yun. at kinain ko na 'yung mga tinapay, ganun pa rin naman ang lasa. lasang-langit! masarap. Peralta's finest ika nga. samahan pa ng napakasarap na ice candy ni nanay. :D ayyy, daberiberibest!
   ayun, tapos na, naisip ko lang i-blog kasi napakabait ng nanay ko, di ko inasahang papayag siyang samahan ako para lang sa tinapay na 'yun! i love you nanay! <3

thanks for reading!
Godbless us all. ;)

Tuesday, December 13, 2011

mga pasikat: a rant.

credits to the one who one this photo. :)
     na-alarma lang ako sa mga facebook status na pinopost lately na sobrang nakakinis na pauli-ulit na lang, like,
"kumain ako neto kanina wala naman music! hehehe"
and they were pertaining to the cornetto disc na sinasamahan pa ng youtube video ng commercial sa post nila.
     bakeeet?!! teka lang! 'di ko lang makuha 'yung punto na hahanapan mo ng tugtog 'yung pagkain mo ng cornetto disc na malamang binubuksan mo pa paikot.


snapshot from the cornetto disc tv commercial.
     paki-paliwananag lang. maiintindihan kita kung you're a school-aged kid at aasa ka sa background music, that'd be cute o 'di kaya naman sadyain mong magpatugtog sa music player mo ng hey daydreamer. pero, utang na loob teen-ager ka na... bakit pa magpapa-uto sa mga tv commercials at sa autoplay. unless, unless, unless, naka-droga ka at nagha-hallucinate ka. pwede 'yon. (naaawa ako sa iyo.) i never tried that ice cream at kung sakali man na bumili ko, 'di siguro ko mag-eexpect ng background music, seriously. oo. o 'di kaya naman may punto ka lang talaga na gusto palabasin... nagyayabang ka lang na kumakain ka ng usong ice cream at gusto mo malaman namin 'yon! oh, tama ako? :)) argh, lech*ng pasikat!
     please, wag na lang. at kung mabasa 'to ng iba... alam ninyo na 'yung dapat iwasan. salamat! :D


God bless us all. :)

Thursday, November 24, 2011

COLLEGE WEEK?! ASPIRIN!

       this blog needs a background music: nanghihinayang by jeremiah.
     i already made up my mind before that i was right when i've chosen (nakaka-chicha 'yung salitang na chosen) nursing for a college degree, until... NOW! eto na naman 'yung isang punto na mapapa-isip ka kung tama ba o mali ang nangyayari. kasi 'di pa man nagsisimula ang college of nursing week (which is less than 2 weeks from now?) na by the way, kasabay lang naman ng foundation week ng school (kaduper saving time and effort... ika nga) e matatanggap mo na 'yung balita na:


c.i.: "bale may duty kayo ng con week."
estu(um-aso): "aaaaaww."
c.i: "sige, ano pipiliin ninyo, graduation o con night?"
estu: "gradweeeeyshoooon." :(


      (o beat that!) lupeeet! 'di ka manlang sinurpresa nang mga 1-week-before bago mag-announce para kahit papano nasasabik ka sa bagay na 'di naman pala mangyayari... e kaso hindi. agad-agad talaga. bilang 4th year student aasamin mo talaga na masulit 'yung mga panahon na 'yon e... kasi last na nga at mapahinga man lang! haha. 'yun bang naka-set ka na, na bumili ng t-shirt base sa kulay ng team ninyo, magpagawa ng group shirt na kakulay din no'n at suportahan 'yung lalaban sa pageant. ayyy. masasabi kong mahapdi talaga. :) bago matapos ang 8-hour lecture kanina makikita mo sa mukha ng lahat ung pagkasawi. totoo.


     bale for this semester, 7 days a week ang pasok. weekdays para sa duty(community) at 'yung weekends ay para sa review. okey. para na lang sa preparation for the night: sige nga, paano mo pa isisingit 'yung pagbili ng damit sa ganung klaseng schedule. sige nga, paki-paliwanag! unless, evolution of school uniform ang theme, e bakit hindi. utang na loob... wala na po bang tawad?! nakakapanlumoooo. 


wakas.
himutok of a "PETIKS" wannabe. :DD
bawal mang-IR ha. ;)


pahabol...
congrats to my tita for reaching the jackpot round on Wil Time Bigtime! :) Ba-La-To!

Tuesday, November 22, 2011

tribute to PUMBA!


ayan si pumba... yung nsa gitna! :D

nahu-hook na yata ako kay pumba.
di namana ako naaliw sa kanya...
masarap lang talaga bigkasin yung pangalan niya.

ayayayayayayayayayayayay!
PUMBA!

balang araw magpapatatak ako sa t-shirt nito. ;)

sana may mahanap din akong ganito. :(

pero pansamantagal...
i-e-enjoy ko muna ang real life pumba!


angel a.k.a. PUMBA!

Sunday, November 20, 2011

we're gonna party like it's my birthday!

     naging malaking tanong ko sa sarili kagabi kung magpupuyat ba ko o hindi (kahit na gabi-gabi naman akong late matulog.) kasi naman magbe-birthday ako kinabukasan at nakaka-stress isipin na baka 'pag may nakakita sa akin na naka-online ako e sabihin naghihintay ako ng greetings ng 12a.m. (lakas maka-high school ano?) :) at ganun nga ang mga sumunod na nangyari... may classmates ako na nagtext. nakakatuwa naman na nag-greet at nag effort sila ng 12am kaya lang pagka-reply ko, excitedly, e ang pagka-sagot nila:
texter 1: "Gcng pa talaga?haha. Sinalubong ang araw ng kpanganakan.haha.see u later. o:" 
eto pa:
texter 1: "...hoo,rereplyan mu lng nyan mga babati sau eh.haha" 
eto naman ang isa pa:
texter 2: "...Ayie.my bumbati nb? Di pa tulog oh.naghhntay ng mga babati.haha."
     at kahit anong gawin kong pagpapaliwanag sa kanila, ipinipilit pa din nila na ganun ang motibo ko. (siguro ganun ugali ninyo ano? haha.) kaya ayun, kahit na may mga bumati sa facebook, habang naka-offline ako (kuno!) e pinilit kong huwag replyan... kasi naman e baka matanggap ko na naman 'yung ganung impression. :( ayun, kung kadalasan alas-dos ako matulog, napilitan akong humiga sa kama ng ala-una! di ko talaga kaya, buti natapos 'yung dina-download kong "praybeyt benjamin" at pinagt'yagaan kong panuorin kahit pirata. (hirap kasi magpanggap na inaantok.)
    kanina: s'yempre, i checked on my inbox! ayun. may mga bumati nga. hahahaha. salamat kay aling puring (alam mo na kung sino ka!) at niregaluhan niya ako ng 20php worth of load dahil daw 20years old na ako. tam-is! na naging daan upang makasagot ako sa mga texts sa akin. :) then, when i went to school for our review (opo, sabado!), my friends/classmates greeted me hanggang sa umabot na 'yung awkward feeling na magkakasabay-sabay ang pagbati tas 'di mo na alam kung kanino ka na magpapasalamat... ayy, nakahiya talaga! good thing, wala pa 'yung reviewer when i entered the room, so i was expecting my classmate na sasayaw siya habang kumakanta kami ng happy birthday song; which we have agreed before that she's gonna perform it whenever someone's celebrating his/her birthday, panata ba ga. e kaso sa dami ng tao sa venue (4 sections lang naman ng 4th level ang pinagsama-sama) e mukhang umurong at tinablan ng hiya. 'di pa din kami nawawalan ng pag-asa hangga't 'di natatapos ang araw kasi pag 'di siya sumayaw e 'di talaga namin siya papansinin. :) buti na lang may naihanda siyang paunang pampasiglang bilang na 'di na kailangan tumayo pa. readers... please welcome, ariel! oops, i apologize, for she looked like ursula in the video. lol :D




    tas kasi may ka-birthday din ako dun na classmate ko. nag-greet kame sa isa't isa... at ano'ng tawag doon---kwits! haha. and we were talking, secretly, 'bout the treat issue during our lunch break... na walang librehang magaganap. :D
    same day, i need to pay for my tuition. kinailangan kong i-extend ang a.m break ko para sa cashier at lunch break naman sa registrar. and "thanks, God!" 'di ganun kahaba 'yung pila at mabilis ang usad. ayun... enrolled!
   here's greatest part: nung afternoon break ambilis ng paglabas ng mga classmates ko, halos ako na lang 'yung naiwan sa room. so i signed the attendance tapos labas na ko kasi gusto ko bumili ng inumin. 'pag tulak ko ng pinto nakakulupol sila sa "sala set" kuno ng hostel... ahh, wala na, me plano ang mga 'to. i tried to walk away kasi bibili nga ako ng inumin tas hinila ko at may cake nang hawak ang isa. tam-is! 'di ko alam magiging reaction ko kasi 'di ako sanay sa mga ganung tagpo, first-time kasi 'yun! salamat! 



     look at their caption and comment, dito nagsimula e. nagdududa na 'ko... pakiramdam ko tuloy may alam sila sa kalusugan at natitirang oras ng buhay ko kaya ganyan ang mga gawa nila e. haha. o siya, hayaan ninyo nang ang video pictures at sa ibaba ang magpatuloy ng kwento. :))




'di pa rin ako binigo ni pumba sa special number niya! salamat sa 'yo!

gg blasters, maraming slamat! :D
maiba naman... lengthwise ang pag-hati. haha.
o sige crosswise na, baka ma-hit 'yung buntot ni PUMBA!
lonny: "unahin mo ko! aking 'yung gilid ha?!"
grace: "basta, maganda ako!"
banatan mo na new boy! ;)
never kong ni-require sa birthday ko na dapat nakatikom! ananyare adet at cat? :D 
meet PUMBA with her tail! :D ayayayayayay!
pumba, saan mo ilagay 'yung hawak ko? bakit iba na 'yung amoy?!
grace and lonny. salamat! :)
alalay sa pag ngiti/ngiwi, baka may nakasingit sa ngipin.
huwag tularan! :D
     gg blasters, maraming salamat talaga sa munting handog ninyo. kahit 'di natin napatunog 'yung kandila, wag mag-alala...tumunog siya dito sa bahay. God bless us all and may we, not only pass, as what our reviewers always say, but top the boards this july 2012. God bless batch 2012!
     at pag uwi ko ng bahay ay may munting piging din pala na inihanda si nanay at ate. :)) ang naglulupasay na spaghetti and cake!





     salamat po! tatay, nanay, ateru, kuya at kim, mahal na mahal ko kayo! at salamat po Lord God sa buhay na 'to! :)


     this is one of my most memorable birthday celebrations ever! maraming salamat muli sa lahat ng bumati in person, thru text, and facebook. God bless us all. :)

Thursday, November 17, 2011

bataan: regrets and mistakes.

least thing you can do...
     i am missing bataan, right now. ewan ko ba, simula ng pag-usapan namin ng dalawa ko pang classmate 'to while we were having our late-lunch last tuesday, naisip ko na ang dami ko nga palang na-miss when we were there.
 take a souvenirshot outside the institution.             
     unang-una na, bilang bagong shuffle lang ang sections ng batch namin noon, syempre, malamang na karamihan sa kanila e 'di ko talaga kakilala, so kung  sakaling me mga pagkakataon na magka-bonding kame ng iba, whether in the boarding house, sa tabing-dagat o while having our duty/break in mmh (mariveles mental hospital), ayos lang, let it happen, kala ko kasi that's a usual moment with them -- not knowing that there will be a time that i'll regret not knowing them more, taking pictures with them and of course, making friends. ako kasi 'yung kung sino lang ang madalas na kasama, dun na lang ako... bonus na kung may mag-initiate na makipagkaibigan kaso bibihira ang gumagawa nun sa akin kasi 'di daw ako mukang friendly and approachable. (akala mo lang 'yon!)
     pangalawa, not bringing a camera. though, one of my classmates kept on reminding me to bring my cam on our second week. tas nung mismong araw na ng pag-alis namin, i intentionally left it. ambigat kasi, mana pa sana kung handy digicam lang, e kaso hindi. tas ayun, maling desisyon na naman pala. 'di ko naman kasi inasahan na on our second week medyo papalagay na 'yung loob ko sa iba at papayagan din kaming mamasyal, isang araw bago kami umalis. haaay. (di ako na-brief!) kaya ayun, pag-uwi ko wala akong ma-browse na pictures at ang malupet pa, na-corrupt ang files sa cellphone na tanging pinanghahawakan ko. oh, kay saya!

mariveles' pride!
     at pangatlo, not bringing extra money for a mariveles-made jansport bag, though, konting panghihinayang lang naman 'yon. tingin ko kasi requirement/package deal na 'yun pag nag-duty ka sa mmh, na dapat pag-uwi mo ng bulacan e merun kang mariveles-made jansport bag. nakaka-pressure! siguro halos kalahati ng section namin e bumili no'n. take note: customized ang bawat designs. waaaag kaaa! gusto mo ng plain color? o review your color wheel, merun sila nian. prints and patterns ba 'ka mo? meron din. at, pwedeng suede ang ilalim ng bag, may texture! malapit sa katotohanan 'yung itsura sa original. kaya di malayong dumami ang parokyano ng pagawaan na 'yun. haha. kaya lang, sa tingin ko, mas ayos na bumili ng local kesa imitation. 

you: "oy, ang arte-arte mo. mahirap na buhay ngayon kaya wala kang paki-alam kung bumili kami ng imitation! amp!"

     oo, ikaw yan, don't deny it! 'di naman sa maselan, kaso para sa akin, once na gumamit ka ng imitation, whether class A, B o isagad mo hanggang Z ('di ko alam kung ilang letra sa alpabeto ang ginagamit jan!) mapa-bag, sapatos or damit pa 'yan, e baka wala nang maniwala sa 'yo sa panahong gamitin mo na 'yung original. so, kung isa ka sa mga bumili dun at alam kong ngayon minumura mo na naman ako, e itigil mo na, nakabili ka na. iba naman ata ang paniniwala mo sa akin e. okay? in the end, 'di ako bumili--nanaig ang prinsipyo! :D
     our 8-day stay in bataan wasn't enough! nakakapagod 'yung i-recall at isulat mo lahat ng napag-usapan ninyo ng pasyente mo at i-relay sa c.i. thru the n.p.i. (nurse-patient interaction) "every day"! 'di lang 'yon, kailangan nun ng analysis, kung anong therapeutic at non-therapeutic communication technique ang na-utilize mo! tas pag balik sa iyo ng papel mo, at may mga pulang ballpen, irere-write pa 'yon! "sir, nakaka-kamachile ng daliri 'yung pagrere-write kung alam mo lang. putok pa!" pero pag nasa boarding house na kami, sobrang saya na! kanya-kanyang hirit na 'yon -- kung trip mong pahampas sa hangin sa tabing dagat, pumunta sa bayan at mamalengke, o magpakabulok at maghintay ng multo sa loob ng room, e nasasayo na. :)) (now playing: sana maulit muli - gary valenciano) nakaka-miss e!
     here are several photos taken from our mmh duty last february to first week of march. obviously, i am not the one owning these photos.(courtesy: fides and sir aner)

on our way to mariveles!  oh, look at the sun rays on our face... OHSAM!
stolen shot (literally) inside mmh after the acquaintance party.
photo taken sa putol na kalsada, sa tabing-dagat.
with fides. the only girl who enters the boy's room anytime she wants. :)
'yan ang mga ka-share ko sa foods throughout our 2-week stay in bataan.
sinusubukan kong i-recall kung anong ginagawa namin sa itaas... kaso di ko maalala.
working my ass out to make some good visuals to present for our patients.
actually, those were already done but i need to pretend like working on it, again, for the documentation.

group 1. "sir, ano'ng ginagawa mo jan?"
group 2
group 4
the group where i belong! (wink)
bs nursing 3c a.y 2011
uwian naaaa! :(
     you might think that the pictures above had no relation na to the title, but, for me, it still has! i'm loving my new classmates now. ang babait kasi ng mga 'yan. seryoso. not that my former classmates weren't, but if i could just spend another school year with them, i'd take it! just to know them better. (kung gusto lang rin naman nila. "kala ninyo classmates 'di ko kayo na-a-appreciate ano?") haha. ganito ba talaga pag malapit na mag-graduate? argh, if i could just get back my diary in mmh, i'll re-post more 'bout my duty there. kinarir ko kasi yung diary na 'yun kahit na puro kalokohan ang laman. subukan ko kayang kunin kay sir! :)) wish me luck!


thanks for reading!
God bless us all. ;)

Wednesday, November 16, 2011

what the facts! (part 1)

here are the first 5 things that not all of my friends or classmates kner about me. (may mga sub-facts pa 'yan so, i guess, 'di lang 5 ang anjan.) i hope this would not mean selling myself out to everybody. :D let's start!

1. no music? oh, kill me!
      wala yatang araw na 'di ako makikinig sa music (siguro karamihan naman ng tao ganun din). umaga pa lang, kasabay ko na sa banyo ang music player at 'yung red speaker (siguro nakita na 'yun ng iba sa inyo) o kung hindi man, magpapatugtog ako ng malakas, 'yung aabot ang tunog sa loob ng banyo. singing along with my playlist is one reason kung bakit nale-late ako paminsan... (okay, i've seen your face, sige... consistent late-comer na 'ko.), to the point that i'll stop brushing my teeth kapag maganda 'yung tugtog. pag sa banyo ka kasi kumanta, parang walang mali sa boses mo, tama?! huwag ka rin magugulat/tatawa/maaasar kung makikita mo ko 'pag nakasakay sa jeep na kumikiwal-kiwal 'yung bibig habang nakikinig ako sa ipod on its "maximum" volume, sinasabayan ko kasi 'yung kanta... i can't help it! mahuhulaan mo din sa kadyot ko kung ano 'yung pinapatugtog ko -- pag nagba-bounce 'yung ulo ko o nagta-tap 'yung daliri at paa ko, obviously, up-tempo songs 'yun; kapag nakayuko naman ako o, mas malala, nakasilip sa bintana, mellow tracks 'yon, fo'sho'. haha. baliw ba ga! and i am not really a fan of o.p.m. (sorry.), but i am not saying that i hate those songs... nati-trigger kasi 'to pag may sobrang masakit sa tenga na kanta, isa na 'yung may "coco martin" lyrics sa chorus. arrgghh! kasura! at saka ayokong may nauuna sa akin maka-alam o magsa-suggest ng bagong kanta kasi 'di ko papakinggan 'yon kahit ano mangyari. (it's pride-day!) :D


2. <3 butiki. :P
      no, actually, i don't! 'di naman sa maselan pero kaya ko pa naman 'yan tingnan mga dalawang dipa ang layo, pero 'pag pasugod na. ayy! wala na. mas mahahawakan ko pa ang antena ng patay na ipis pero kahit patay na butiki, e huwag! (scoliodentosaurophobia: fear of lizards. source: flickr. ohh, lakas maka-kuya kim nian!) nadapuan na kasi ako nun nung minsang bumibili ako sa tindahan, malamig tas madikit, piglas agad! and one time nag-trip 'yung nanay ko (nay, quota ka na sa posts ko. :D), she asked me to take a peek outside the window to check what our dog was doing. e ako excited pa... from the dining area to the room, silip agad! not knowing may butiki pala sa gilid at nakasingit siya dun -- kambyo (thanks to my good reflexes!), then they all laughed at me. it was my closest encounter with that reptile. arrrr. mga kaibigan, wag n'yo sana gawing panakot sa akin 'to ngayong alam n'yo na ha. please!?


3. i have a mighty sense of smell.
      'di ko alam kung ka-abnormalan ba 'to kasi nagtataka ko, sasabihin ng iba, "di ko maamoy may sipon kasi 'ko." sh*t! e bakit ako pag may sipon, mas malupet 'yung pang-amoy ko. "what is happening with my olfactics!?" nagtatalo pa din sa akin kung advantage ba 'to o disadvantage. :) like, 'pag may umaamoy na paa ('yung nilagang saging na saba version), though, 'di ko naman sinasabi na ambango lagi ng paa ko whenever i remove my shoes after a long walk/day, pero kung paa mo 'yon, alam mo sana na sa 'yo galing 'yung amoy oras na tanggalin mo yung sapatos mo (actually, kahit di tanggalin e, kapag nakaupo... 'yung ilabas mo palang 'yung sakong, ganun katindi.). seatmate, kaya ko mag-control ng pagpuna, pero 'yung pang-amoy ko 'di ko kaya i-control. maawa ka. :D knee-high, ankle-high and even foot socks are within reach now: siguro kahit isa sa mga 'yan e magagamit mo sa sapatos na susuotin mo o 'di kaya naman mag-foot powder ka.



4. i do not want anyone to touch my hair.
      "hawakan mo na lahat, 'wag lang 'yung buhok ko." o hindeee! kasi 'di ko kaya pangatawanan 'yon. :) but seriously, i am so pissed when someone's messing my hair up. (kung alam mo lang 'yung hirap ko maayos lang 'yan! grr.) hawakan mo 'yung gilid pero ibalato mo na sa akin 'yung taas! this is also one of my accounts for coming late in our classes and duties 'cause (badly!) need 5-10 minutes to fix my hair the way that i want it to look like (yamu nang ma-i.r.!). pero mas badtrip kapag umuulan, kasi oras na lumabas ako ng bahay, ayii, asahan mo lagi kong hawak 'yung buhok ko. :D


5. i have the weirdest armpit!
     hindi weird-looking aah. ;) tingin ko lang nag-red bull 'yung sweat glands na nasa kili-kili ko, kaduperhyperactive! normally, kapag mainit papawisan naman talaga 'yan, sobra nga lang. sa jeep pa lang, 'yung tipong gusto mo na ikalang ang siko mo sa bintana para lang mahanginan, (wooo, refreshing!) pero dahil nga siksikan e nakakipit ka tuloy. ang abnormal e, kahit ba naman sa air-conditioned places, mapa-classrooms, malls, at sasakyan e papawisan pa din?! pakiramdam mo nagso-solidify 'yung antiperspirant/deodorant na nilagay mo tas mamaya babalik ule sa liquid state niya. hahaha. funny but true. kaya kapag 'di ako naka-school uniform, pinapakiramdaman ko pa kung pwede ko itaas 'yung braso ko kasi nakakahiya talaga kung may makakita. :D

tama ako! sobra-sobra na 'tong nabigay ko. :) magka-part 2 pa kaya?!

thanks for reading!
God bless us all. ;)


Thursday, November 10, 2011

last enrollment: the assessment.

this calls for an update!
     our school's trending now, i guess. 'di lang sa social networking sites kundi sa bawat bahay-bahay. kaya 'di ko matatanggap na out of the 22,000+ who liked the BulSU page, only 295 are talking 'bout it. (mark zuckerberg, pa-update naman ng page!?)
     this day was very tiring, dehydrating, exhausting, embarrassing and disappointing! (oo, puro negative adjectives ang dapat kong gamitin.) 'cause we're having the last enrollment of our college life na dapat paka-enjoyin na lang at kakitaan mo ng kapositibohan, kaso 'di mo magawa dahil sa madadatnan mo sa school na kay habang pila tas sabayan pa ng init ng panahon... ayy! laging kalbaryo 'to! unang-una, 'yung paggising ng maaga (na alam ng lahat na 'di ko hobby), well, nag-alarm 'yung phone ng 5am, sinubukan kong bumangon, e 'di pa talaga kaya ng katawan ko (bakit ko pipilitin, 'di ba?) pero nagising naman ako bago mag 6am. tas, nadating ako ng school ng 7:30am (na dala-dala ang ipod: package deal 'yan pag enrollment, reasons? 1. para-maaliw, 2. para nasa beat ang lakad pagdaan sa mahahabang pila at 3. para 'di mo marinig ang sasabihin ng nasa likod mo oras na sumingit ka.), so i went to our building first at nagbabakasakaling may makasabay papunta kaso wala talaga. wala akong masingitan na malapit kasi may number na sila, kaya nalagay ako sa isa kong classmate na malapit-lapit naman sa katotohanan 'yung pwesto. 'yung right wing ng gym e halos puno ng 'di pa nana-numberan na estudyante, sumugal kame na sumingit (wrong move: first, i was wearing yellow so kitang-kita ako. ikalawa, tatlo kameng sumingit sabay-sabay). sabi tuloy ng westlife...obvious! nait ko na ngang 'di ituloy ang pagsingit nang marinig kong sumigaw 'yung isang babae, "gwapo ka pa naman sana, madaya nga lang." (in-assume ko na ako 'yon!) haha. "ate, sorry na. sige di na ko sisingit." joking! gwapo pa din naman madaya lang, okey na 'yun. haha. then, we tried to squeeze in ourselves on the bleachers kaya lang, there's this guy sa likod namin na nagsumbong! (badtrip!) uubra na sana 'yung palusot kaya lang andaming gumatong. kaya umalis na kame. (namutla ako nun tas nanginginig 'yung kamay ko habang binabagtas pababa ang bawat baitang ng blitser.) sobrang nakakahiya 'yun. ang grabe pa, nawala 'yung pwesto namin na malapit sa katotohanan, kaya back-to-zero... dun kami na-pwesto sa third gate...dulo! kameng tatlo, hawak ang mga cellphones at sinusubukang makapag-palakad sa loob para 'di na pumila. kaso wala talaga. kung hindi pumasok e wala pa sa school. nadagdagan kame, si kulot! haha. minutes later, bumibilis ang usad, kaya pala... pupunuin namin ang gym para sa numbering. (drums rolling...) your number is....  1..2...9...0. "lunch tayo!" haha. (anlakas ng loob umalis ng pila.) tip: kapag enrollment, wag o-order ng chicken fillet sa McDonald's! in case that McD doesn't know some differences, eto:

source: allwords.com
source: wikipedia.com
     magkaiba ang sangkap at itsura ng chicken fillet (or what i call "chick-fillet") sa hash brown! mura din ang cornstarch para mapalapot gravy; magtahip at ayusin ang pag-unab ng bigas. baka magalit si bimby n'yan: hindi chulit (getting more that what we paid for) at chik-chik (full of nutrients). okey? habang pabalik ng school,  nag-activate ule ang sweatglands ko. :) tas nung tinanong namin yung nasa pila, number 600 daw siya. aah, bale 600+ na lang muna bago kame?! nooo, this needs an intervention! though, madami na nagsu-suggest na dun kami pumila sa re-assessment, bilang nakalusot sila, e tinanggihan pa din namin. ang hirap kaya magsinungaling (seriously!) at mapahiya pag mabuko 'yun. e di dalawa na lang kami ni kulot. pride! walang kisame ang gym, tanghaling tapat kaya di kami pumanik ng bleachers. (mana pa kung may baon kameng oresol para di kami madehydrate.) nakasama pa namin 'yung mga classmate namin na diretso sa student government office kung magpa-number para sa cashier. kaso, sawi din! :) "last na 'to"... then i texted my sis na ka-rubbing-elbow 'yung guard sa maingate! voila! by 1pm (na dapat sana 2pm pa ang duty ng guard) nabigay na namin sa kanya 'yung evaluation form namin... still hanging... bukas ko pa makukuha sa kanya. :D
     among the 11 enrollment processes i've been through in college, i must say, this is the worst! wala pa ding sistema. good luck freshmen/soon-to-be freshmen! more on your way! and "sorry, Lord, for i have sinned. andami kasing 'di tama sa mga taong dumadaan, ayun tuloy napuna namin. p.s. kasalanan po din nila. haha." jk.

thanks for reading! God bless us all.

Friday, November 4, 2011

OB-OR.

pwede ko ba i-kwento ang first experience ko sa inyooo? lemme hear you say wohow! :)) (concert?) o wag ka! sa operating room lang 'to! yes, my first time in the ob-or. this happened last summer, when most of the students of other colleges in our university were enjoying their vacation, we were busy doing case analysis, ncp's (nursing care plans), drug studies and attending our duties. o saan ka pa?! nursing students are really deprived of rest days and vacation. given na 'yan! kanya-kanya na lang gawa ng paraan. alam yan ng nursing students, tanungin mo 'yung mga yan... malamang 9 out of 10, kapag sembreak at summer e naiinggit sa ibang courses. haha. consuelo na lang kung ang duty mo matapat ng monday or friday, kasi kadalasan inuusad jan 'yung mga holidays -- "ano ba'y holiday?" itanong mo, pag wala nang maisagot asahan mo bulacan day 'yun. abangan mo, dalawa hanggang tatlong beses lalabas sa isang taon yan. dahil jan, ang laki na nang itinatanda ng bulacan! :D (di ko na alam kung paano ibabalik ule sa topic to.) anyway, adi nasa area na kame... in-orient kame ng c.i. with the facilities, staff and especially sa surgical instruments. though, nakita ko na yung mga instruments na 'yon before, iba talaga pag pinagsama-sama mo...vertigo attack! ang dating alam mong mayo na pinapalaman at salad dressing lang, e gunting pala at table; yung mosquito ginawang clamp; mabaluktot lang 'yung dulo ng clamp or scissors maiiba na ang tawag. ganun ka-gulo. so after the orientation, we waited in the recovery room hoping that there'd be a patient scheduled for a caesarean section that day. i told my groupmates that i wanted to go first. di ko rin alam kung san ako kumuha ng lakas ng loob nun, siguro dahil wala rin namang gustong mauna at gusto ko din makumpleto (well, not really.) mapunan yung cases ko. so after hours of waiting, ayun may patient na daw. "sino sa inyo mauuna?" the c.i asked. "ma'am, ako po." i answered hoping that i wasn't pale. i wasn't pale! i wasn't pale! haha. so i prepared the mayo table, scrubbed my hands, wore the gown, put on the gloves. (kung may hindi ako nabanggit, wag ka mag-alala... kumpleto suot ko.) just imagine that i was doing all of that stuff with my c.i beside me. much the same as watching a porno but... with your parents beside you. get it? jk. "ma'am, permission to collapse!" then i shouted, "where's my patient!?" no. i'm just kidding. i have no time to crack even a single joke at that time. the operation started.
sugeon: "knife."
c.i: "o, knife daw."
alam mo yung , sa utos pa lang ng doktora kakabahan ka na tas gagatungan pa ng isa. "ma'am, teka lang. mahina'y kalaban!" kung pede ko lang bitawan 'yun. i tried to relax. tas hiniwa yung puson... ahhh! yung taba nakita kooo! taba yon! taba yung nakita kong yon! for a moment, i remembered what my nanay told me, "wag kayong seselan-selan doon ah." parang diesel, painitin. kaya ko naman pala. nakikisabay pa ako sa tawanan ng team. cool-coolan. suddenly,
surgeon: "suction... iho, ikilos mo yung kamay mo!"
shock. hypo, tachy, tachy. teka, 'di naman ako na-brief na ako 'yung magsa-suction, kala ko taga-abot lang ako ng instruments bilang yung nurse-on-duty (nod) 'yung suma-suction kanina. thanks to the mask, walang nakakitang namutla ako dun. few minutes later, "baby out!emo time: (wind chimes clanging) seriously, i realized that i became a part of a new life. one of the greatest feelings i felt. :) tas biglang iihi yung bata, basag! (agad namang sinuction ng nod, so okey lang.) then while the surgeon's cleaning the endometrium (inner lining of the uterus), syempre may mga nag-adhere dun, bawat pag-abot niya sa akin ng clamp... may kasamang laman! i was shouting in my mind. "doooc, alam mo naman siguro na processed food ang karaniwang baon ng student nurses. and if you'd like to know, tocino po 'yung ulam ko for dinner! okay!?" tas may inabot sa akin na pieces of tissue, as in human tissue, e ako, consistent... nilalagay ko sa kidney basin 'yung bawat laman na naka-ipit sa clamp tas biglang nagsalita yung c.i ko, "hoy, bakit mo itatapon yan! ilagay mo sa vial." my bad. i forgot, my patient was for btl (bilateral tubal ligation), tali ba. and that last two little pieces of sh*t were part of  the patient's fallopian tube pala. :D (sorry, first-time sa operating room.) ngiti na lang, then i put it inside the vial. yeah, baby! i had 2 cases in 1! ;) and before closing the site, last thing that you should do... pray... for the final counting. siguraduhing walang naiwan na anumang foreign object sa loob ng katawan ng pasyente. and "thanks, God.", kumpleto siya!


and that's my ob-or debut. Pasensya na mahaba.
God bless us all. ;)
 l
 l
 l
 l
 V
post a comment/suggestion/request and subscribe!
but don't share this. lol.

thanks! ;)

Monday, October 31, 2011

culture shock!

this blog's giving me some strain. para bang nang-aasar at sinasabing, "pangatawanan mooo kooo!" well, i'm trying! :P okay, like what i said from my previous post, basically, i'm gonna moot about my buhay nursing student (saka na yung iba). o eto na naman. aahhh... ayoko na magpaliwanag! nasabi ko na sa unang post yung ilang dahilan! so, let me get-go with my college admission and debut stories.

from being isolated and spoon-fed in high school, here comes college. though, i've already set my psyche (not my physiologic functioning and capacity), way back, i think, since grade school, that i'll take up nursing... It was still hard for me to wrap up that decision when i was in 4th year high, same year that my father passed away and which was 6 days before my birthday. kaya sinabi ko na lang sa sarili ko, "kung ano na nga lang 'yung alam ni tatay na course (degree) na kukunin ko, ayun na lang." so i went to the university for a reservation, took the entrance exam, i passed and then the...

INTERVIEW!
syempre, sa inteview nag polo-shirt ako (may points kasi yun!) kahit labag sa loob ko. ako kasi yung t-shirt na plain lang pwede na, e kaso hindi e, sinubukan kong magpa-impress. haha. nung papasok na ako ng room, me c.i. (clinical instructor) na nagturo sa akin sa isang table, dun daw ako. kaya ayun, umupo na ako. but, i could smell some connivance at that point. (kinakabahan ako! di ako magda-drop ng name dito. though, i can remember telling some of my classmates 'bout this. :D)  a male c.i. came with a semi-male student, umupo sila then they started the interview... properly. english questions? patol! i answered in english. tas habang tumatagal, me mga tanong na nai-singit. "anung favorite color mo?'' and i was like, "kasama ba talaga to?" then i answered, "black (which was not really a color, i know) po saka green." and he said with a ngiting ewan, "ahh." next question: "nagcocomputer ka ba?" "opo." i answered. "ano, gaming?" "opo." and i was pertaining not with on-line games but with text twist, solitaire and minesweeper. haha. walang budget pang-internet. lol. Then his next question was a bomb! (kayo na bahala magbigay-kahulugan, pero iba naging dating sa akin) "nagweweb-cam ka ba?" hell no! feeling ko nag-hypogly ako nun. (+)cold and clammy skin, increase heart rate, nervousness, dizziness and pallor. i need a hard candy! lunok muna to compose myself then i said, "hindi po e. wala po kameng internet." :D then i saw again that smirk. goosies! tas bigla siyang pinatawag, for only God knows what the reason was. then, the student uttered "ganun lang talaga yung interview ha." so, i gave my most awkward smile (you know what i mean!) and nodded. and that scenario was one of the things that lead me into a conclusion... "kupo! si sir me tinatago!" haha. just kidding. that college life will be a one roller-coaster ride for me. ;)

another culture shocking experience was the first day of school. :'( ayoko nang alalahanin pa pero, sige sasabihin ko na din. well, it's not really just the first day, but more or less, the first month. as in isang buwan ata akong walang kausap/friends in our class. introvertion again. okay, i'll admit. sinamahan ko ng pride. gusto ko kasi sila yung kumausap sa akin, di ako sanay makipag-kaibigan at mag-initiate ng conversation. saka ang nakakaasar, bilang certified late-comer ako, pagdating ko ng room nakakulupong na yung kapampangans, marcelo students and those extroverts and soon-to-be p.r.o's were making rounds already. and i was in a corner, watching them making new friends with my earphones plugged! meron namang nagpakilala sa akin na babaeng classmate, shineyk-hands pa nga ako. sabi ko sa isip ko, "thank you, Lord!" gusto ko man i-approach yung grade school mates ko na naging classmates ko ulit... someone's buzzing... "ang pride. suplado ka!" :D so for one month, my routine: when we have to change room for another class, i'd walk with them, plug my earphones, pretend to be a chameleon (hunyango ba.). lunch time, i needed to text my hs classmate para may makasabay lang ako and one time na nakasabay ko siya nasabi ko, "hoy, aabsent na lang kaya ako sa next class ko, wala pa din akong ka-close e. magsasakit-sakitan na lang ako." i could also remember telling my nanay, "nay, wala pa din akong kaibigan. nahihirapan na ako." :( i am serious with that. pero don't you worry, marami na din naman akong friends ngayon. 326 na nga sa facebook e. haha. accomplishment ko na yun. :D

i need to bring this to a close and think of something nice and interesting to post here! *pressured.

thanks! God bless us.