Tuesday, October 15, 2013

Why Nursing?!

         Bilang unemployed pa naman ako (hindi naman sa ipinagmamalaki ko pa) at para magkaroon ng kasaysayan itong pagtengga ko e, ilalaan ko na lang sa pagba-blog ang umuusad na oras. Wala akong maisip na topic talaga kaya ike-kwento ko na lang ang ilang kadahilanan kung bakit Nursing ang napili kong course/degree sa para sa kolehiyo.
     Simulan na natin sa unang-una, napakabigat at napakalalim na dahilan kung bakit talaga ako nag-Nursing (*drumrolls) --- ang YUNIPORME. Tama! Yan nga. Ang kapita-pitagan at ke-puti-puting uniform ng mga nurses. Sasabihin ng ilan “E bakit di ka na lang nag-Sakristan o di kaya nag-mascot ni Casper o Michelin?”. E ‘di ninyo na naman kasi alam. May mga parte ang uniform na lalong nagpakumbinsi sa akin mag-Nursing. Numero uno, ‘yung dalawang malaking bulsa sa polo na nasa halos tapat ng tiyan. Easy-access sa mga gamit na dala tulad ng panyo, cellphone at pera. At, ang angas kaya tignan kapag nakapamulsa ka dun. Hahaha. Tipong parang lagi mong kasabay ang dean mag-lunch sa kaangasan. Ingat lang sa pamumulsa pag gawing hapon na, takaw-libag ang parte ng uniform na ito.  Ngunit, sa kasamaang palad ay nasanasan ko lang noong fourth year na ako dahil isang malaking bulsa lang ang nasa polo naming from 1st hanggang 3rd year na tinernuhan pa ng midnight blue na islaks. Oo, midnight blue dapat ang bilhin at ipatahi dahil ko-quota ka sa I.R. (incidental report) kapag hindi iyon ang kulay ng pants mo. Mainit sa mata ng mga clinical instructors yan lalo na sa unang taon ng iyong pag-aaral  Sa madali’t sabi hindi pa pala mag-o-all-white sa mga unang taoon ng pagna-Nursing. Pero di naman na rin masama. Numero dos, yung bulsa na maliit na pwede mong paglagyan ng ballpen, cellphone, barya, isa hanggang dalawang balot na tatoos o popsy, sa mapupusok na kabataan pwede ring lalagyan ng “C”, mabango at may iba-ibang flavour… ang “candies”, na nasa tapat ng kaliwang dibdib kung saan nandoon din ang logo ng college namin na ang talagang purpose pala ay sabitan ng nameplate. Tandaan: Ipangkuha lamang ang hinlalaki (thumb) at hintuturo (index finger) kapag may kukunin sa nasabing bulsa kung ayaw mo itong mawakwak. Isang malaking sugal na kung isasama pa ang hinlalato (dirty, no, middle finger) sa pagkuha. Kokota ka rin sa dami at laki ng butones ng uniporme ng Nursing student na pwde mong ipamato sa piko. Mabuti na lang at ‘di na itinawid pa sa balikat ang mga butones. Nakatipid d’yan si Aling Aida ng humigit kumulang 5 hanggang 6 na butones. Bonus na din kung may pleats ang uniporme ng school na napasukan mo pero mas mahirap itong plantsahin, kasumpa-sumpa. Marami pang ganap kung uniporme lang ang pag-uusapan kaya ibubukod ko na ng blog iyon.
       Pangalawa. Di naman na siguro lihim sa atin na sa mga nakalipas na taon e maya’t maya ay nababalita sa TV na maraming bansa ang nangangailangan ng nurses. “Boom na boom” kung tawagin ng iba (lakas maka-perya n’yan). Spokening dollar. Sino nga ba naman ang di maeengganya dun? O, wag mo sabihing ‘di rin yan isa sa mga dahilan ng ilan sa nurses ngayon. Ano ‘to?! “Ang dugo’t pawis ko ay iaalay ko upang makatulong sa mga nangangailangan o may karamdaman na walang hinihinging anumang kapalit. Period. Susi-padlock. No erase. Padlock tapon sa dagat. Kinain ng pating.”? Superhero?! Pero, sabi nga nila ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan naman nasa ilalim. Kaya ayon, may ilang bansa pala na PMA ang ganap. Pahinga Muna Anak sa pagtanggap ng mga nurses. Kaya naman aasa ka na lang rin sa bali-balitang “sa taong ganire mag-oopen uli yung ganyan”. Pero sa totoo lang, mahirap pala talaga ang mag-abroad. Akala ko kasi dati pag naka-pasa na ng Philippine board exam madali na ang lahat. Yun pala, may kukunin pang mga ibang exams para ma-qualify ka abroad. Nang! Unli-money lang ang mga nagpa-aral sa amin?!
       Pangatlo. Siguro dahil na rin nakita ko sa yearbook namin nang grade school at highschool na ang inilagay ko sa “Ambition in Life” ay Nurse kaya itinuloy ko na rin. Baka ito na talaga ang nakaguhit sa mga palad ko. Saka bago mawala yung tatay ko e iyun yung alam niyang kukunin ko pag nag-college na ako kaya talagang dapat iyon na ang piliin ko. O sume-seryoso. Anyway, e kasi naman, noong bata pa ako, akala ko dati pwede ka mamili ng gagawin kapag nurse ka na sa ospital. Balak ko kasi noon, tulad noong napapanood ko sa TV, na may semi-circle na mesa sa pagpasok mo ng ospital tas doon naka-upo yung nurse tapos sa kanya mo itatanong kung saang room nandoon yung isang pasyente. Iyon talaga ako e. Hahaha. Nakakahiya man pero may ilan akong kaibigan na nakakaalam na iyan talaga yung gusto kong gawin sa ospital bilang nurse kaso pang pelikula lang pala ‘yon. Hapdi.
       At, s’yempre naman. Instant galing sa ibang tao ang matulin na pag-iling sabay turo sa iyo at bitaw ng “Ay! Matalino yang batang ‘yan!” kapag Nursing ang course mo. Di ba nga?! Hahaha. If you only knew. ;)
      Sapat na siguro yung mga ‘yan para ibenta na naman yung sarili ko sa blog na ito. Sana naman walang nainis sa mga pinagsasasabi ko sa post na ito. Peace! Hanggang sa muli.
       God bless you!

Thursday, November 15, 2012

facebook rants (part 2)

there are lots of them! part 2.
     bale eto na ang ikalawang parte ng paghihimutok o obserbasyon ko sa ilang users ng facebook. nandito 'yung first part kung interesado ka lang naman basahin --> (click here) hindi ko na alam kung paano pa gagawan ng introduction yung blog na 'to, dahil napakatagal bago ko nasundan yung naunang parte, basta ere na. >.< 
  • The Inconsiderate. sila yung mga walang pakialam kung ano ang pinagdadaanan ng facebook friends nila basta mai-post lang nilang yung mga gusto nila. nariyang mag-post ng katawan ng mga naaksidente, biniyak na bata na nakalagay sa palanggana o anaconda na nakakain ng tao o hayop. hindii manlang inalala yung mga makakakita na maduduwalin o sobrang maawain na talaga namang tatangis 'pag nakakita ng mga ganun. yung iba naman magpo-post ng ke sasarap na pagkain na ang tanging misyon lang naman e gutumin ang mga makakakita o hindi, gusto lang talaga i-display na kakain sila nun. at ang masaklap pa pati picture ng plato o 'yung buong table pagkayari kainan e naka-post kupo! wala akong pakialam sa buto o mumo na itinira mo at ka-caption-an mo yan ng... "busog!" pft! alter-ego: the filter-less
  • The Spam Eater. hindi literal na imported na de-lata nauwi ng mga nag-aabroad kundi 'yung mga internet spams. ‘di ko alam kung bakit ganun na lang ang curiosity ng mga taong ‘to para bumuwis at buksan yung mga spams sa internet, lalo na nga sa facebook na kahit anung gawin e ‘di na nila pwedeng i-deny bilang bawat online friends nila e mapapadalahan nun o di kaya naman mag-a-appear sa ticker. nariyang kung ano yung ginagawa ng mga celebrities sa mga photos and videos, kadalasan may kahalayan. :D nakaka-engganya nga naman lalo na kung ang naka-display na thumbnail e... alam mo na. kaya lang, ang mas nakakatawa (sabihin na nating nakakahiya) lang pag nakita mo na yung mga nabibiktima nito ay 'yung mga di mo inaasahang humihirit ng ganon at pati na rin ilang babae. (pati ba naman sila?) :DD isang tuwid sa newsfeed 'yung trending ng pagpo-post niya ng spam. mahuhuli mo tuloy kung sino yung may ginagawang kababalaghan habang nag-i-internet. :D pong! alter-ego: the fishermen.
  • The Discreditor.  eto 'yung mga nag-gra-grab ng photos/videos, at mag-post ng quotations without crediting the owner or author. kumbaga sa kanila napupunta ang papuri na dapat sana'y para mga taong nagpapakahirap para gumawa ng quotation at nagdala ng camera sa tuwing may happening. o minsan maiinggit sa post ng kaibigan at magko-comment na "pa-repost?" well, then go to twitter! mga taong pwedeng hablahan ng kasong theft and plagiarism. o hindi ko alam, baka mali. basta alam ko may kaso para diyan. ask someone form Tito, Vic and Joey. XD *clears-throat
  • The Ultimate Lover. may ilan lang namang ganito na hindi yata nausuhan ng salitang inbox o PM (private messaging) kaya naman ganun na lang kung i-wall post ang punung-puno ng pagmamahal, walang pag-iimbot at buong katapatang messages of love niya para sa kanyang partner. maya't maya e nag-a-aylabyuhan at palitan ng " ♥ at :-* " sa newsfeed! wala lang load?! (aray! bumanda pabalik 'yun a) tatalunin pa ata 'yung mga pocketbooks ni Martha Cecilia sa tamis ng istorya at baka isa ka pa sa mga malungkot pag nag-break yan dahil naka-subscribe ka. pero, ganoon lang ata talaga ang nagagawa sa atin ng pag-ibig. waaah! cheesy! parang hindi naman ay! disclaimer: di naman 'to dala ng kapaitan. alter-ego: the filter-less
  • The Gamer. wag na 'tong pahabain pa dahil isa 'yung mga game requests nila sa mga dahilan kung bakit, temporarily, nagdeactivate ako ng account sa facebook. maramdamin ako e. XD alter-ego: the filter-less and the spam eater.
  • The Suspender. eto ang mga malulupit mag-post ng bitin. di ko alam kung saan nagsimula at sino yung nagpa-uso nung mga phrases na "yung eksenang..." at "yung tipong..." utang na loob, ineng! kung magpo-post kayo ng ganyan e kumpletuhin ninyo yung thought. lakas maka-bwisit. halimbawa, eto yung kadalasang nababasa ko: "yung eksenang nakita mo si crush." o? ano'ng nangyari pagkatapos nun? dali, ipaliwanag mo pa. aba e, lagyan mo naman ng reaksyon sa dulo para mabuo yung gusto mo iparating. sundan mo naman ng "...nakaka-kilig, sobra!" kailangan pa ba ituro sa iyo yan. pektusan kita e! biro lang. ;)
     unfriend mo na ko, ganyan ka naman e. hahaha. pasensya na ulit kung nandito ka na naman o 'yung kaibigan mo. >.< titigil ko na nga ito. pero pag may napansin na naman ako baka sakaling magka-part 3. may bahagyang punto naman yung mga yan diba kaya don't you tell that AMALAYER. :D pasensya na uli.
     thanks for reading!
     God bless you. ;)

Tuesday, September 18, 2012

Work out.

     I am like in the midst of chaos now just thinking of a simple question: Should I start working my ass out as a volunteer nurse or keep on bumming around here in my room and get spoiled? I know, in what I have accomplished—-passing the Nursing Licensure Exam and taking my oath as a professional, I should be working by now. But, I guess, I am not ready for that thing yet. Call me stupid for saying these reasons but I feel that I’m still young to get a job, not done with my resumé, doesn't have an ID picture, got no formal training yet and stuff. Tell me, am I just reasoning out for my procrastination? Honestly, the will for working, most of the time, runs in me. It really does. Yet, monster MDs and staff nurses give me creeps and that kills this will. Just having a thought of them lecturing and scolding you for doing less of the work because they don’t get the idea that you’re in safe-mode for your next move so what they’re doing to you now won’t happen and/or because you are in full swing that they think you are now crossing on their line of work (if you just know what I mean), terrifies me, big-time. I will save this week to chew over this dilemma and will hope to make the best plans and decisions.
     P.S. Hope, this one will not reach my mother or anyone in my family because if it does, I’m dead. >.<

Friday, August 31, 2012

rant: your RN? really?!


     Funny, how you recognize your reviewees as your own RNs when they've been utilizing their OWN knowledge and efforts throughout the whole 4 (or almost 5) years of searing brows (term I got from my highschool Alma Mater song. *wink) and hardwork just to imbibe nursing. We all spent much of these 4 years in our school, hospitals, clinics, RHUs, and in the community giving patient/client care and drained ourselves doing case studies, return demos, nursing care plans (NCPs) and stuff for us to gain competency and to prepare for the licensure examination. smileBut, why do these review centers keep on attaching their names, like somehow, claiming the breakthrough of each of the students who have passed the Nursing Licensure Exam as if those were theirs? Yes, you've been there to sustain for what's lacking for a couple of months or three to refresh the graduates' memory (giving you a credit for that) but, I think the schools deserve that credit more than you do, who had been there all through and/or might as well the students themselves.
     Just keeping it real. ;)
 Disclaimer: Sorry for the alternating person mode of narration.
     Thanks for reading.
     God bless.

Wednesday, July 25, 2012

Bad Mouth: a rant

     Ang sarap gumising sa umaga lalo at nabigyan ka ng pagkakataong makatulog ng labingtatlong oras. Ang lakas maka-bangkay ng feeling paggising mo --- yung tipong umakyat lahat ng formalin sa mukha mo sa sobrang pagkamanas at halos di ka maka-kilos dahil parang nagdikit-dikit na 'yung mga kasukasuan (joints) at litid mo sa tagal ng pagkakatulog mo. Gayunpaman, bago pa ako mag-inat ng katawan mas una ko pang ginawa ay ang tingnan ang cellphone ko, buong pusong umaasa na kahit isang text message man lang ay meron... drumrolls... 1 message received (lakas maka-3210 niyan). From: 4438. Oo, tama ka, load reward lang yan at di ko na babanggitin kung magkano dahil mahuhuli kung gaano ako kadalang mag-load. Kasunod kong tsinek ang twitter account ko. Ganun pa din, mga taong ginagawang diary, to-do list at chatbox ang twitter sa halip na gamitin ang direct messaging nito o mag-sign-in sa facebook at doon mag-usap. Yaman din lamang at nabanggit ang facebook, at dito naman talaga nag-ugat ang rant na 'to (walang talagang kinalaman ang mga naunang nabanggit, pang-intro lang.) e di ko akalain na dahil sa pagba-browse ko sa newsfeed ay makakagawa ako ng impromptu blog bunga ng pagka-inis sa nakita ko. (ikaw pa ang naging buena mano ko after 4 months) Di ko personal na narinig, pero batid kong isang babasagin at malutong na mura ang nais iparating sa status na ito, in all capital letters, na kadalasang sila nanay at tatay na lang ang gumagamit para mai-express ang galit nila sa mga anak thru text. Hindi ko alam, siguro nakasanayan ko lang na kainisan 'yung mga nag-i-immortalize sa internet ang mga nagsasabi ng iba't ibang version nila ng pagmumura, may pang-sosyal at may pang-jologs, mind you, kadalasan ilang babae pa ang gumagawa nito. Kainis din naman yung nagla-like neto. Kinunsinte ay! Okay na sana kung purong ganoong salita lang ang maririnig/makikita mo, pero hindi, kung minsan ay nagpo-post/share pa ng ilang Biblical passages or photos o basta 'di umaayon... di consistent! Bibigyan kita ng limang segundo para mamili lang diyan sa dalawa ang ipo-post mo, para di kami nalilito sa kung ano talaga ang prinsipyo mo.

Sana nga!
(my previous fb status dated April 18, 2012) Salamat, timeline.
     Paalala: Lagyan din ng Yin at Yang ang ugali sa itsura para kwits, 'di nagkakalamangan. Hahaha.
     Siguro may naiinis na naman sa akin ngayon. Eto ang linya mo, "'Kala mo naman kung sino 'reng nagnanaknak sa kabaitan!" (pout and smid.)
   Ehhh,wag ka gagawa ng hindi ayos kung ayaw mong naba-batas ka. Gumawa ka rin ng blog para maka-ganti ka. Hahaha. Aasahan ko na lang yung lalong pagkonti ng facebook friends ko after posting this. ;)
     Thanks for reading.
     God bless you.

Thursday, March 15, 2012

We all passed the course Competency Appraisal II!

     Though, ang rule sa klaseng yun e, "What happens in N6, stays in N6", wala na kong magagawa tapos na. :DD Sobrang sarap lang isipin na of all the sections that our instructor is handling, yung section namin ay isa sa ang lahat ng estudyante ay pumasa. Partida pa na katabi ng room namin yung dean's office sa lakas ng sigawan after announcing that nobody failed. Well, actually, may hirit muna after mangyari yun. Nagbanggit siya nga mga pangalan na di umano'y nakapasa, not in alphabetical order, she started from the highest among all, then random na. Yung tipong papalakpak ka na lang para sa mga nababaggit. Tapos natawag ako. "Thank you, Lord!" :DD Lasang langit! Then, tapos na. Siguro more than 10 students yung di natawag. "Okay, Tumayo yung mga di ko natawag." Tapos pinaupo rin. May naluha/naiyak na. (Malamang nga may nagtext na sa magulang na "Nay. T.T". Biro lang.) Tapos biglang sasabihin ng instructor na "Okay. Walang bumagsak sa inyo. Pasado kayong lahat." (Sigawan, taas ng kamay, palakpak) Knowing our CI di mo akalaing gagawin niya yun. Seryoso. Sobrang saya ng lahat at siyempre nakaka-proud na walang bumagsak sa amin! 

Group 1
Group 2
Group 3
Group 4
Paputiin na ang mga sapatos.







Nangangamoy DIPLOMA na! :DD












[photo credits to lorvic329]

Thursday, March 1, 2012

if only.

    salamat sa staff nurse ng pinag-duty-han kong ospital at nalaman ko ang movie na 'to. may magandang dulot talaga pag ikaw ang head nurse at nag-i-stay ka sa nurses' station. :D actually, di naman talaga sa akin, directly, sinabi 'to nagkataon lang nga na andun ako sa station nung i-suggest niya ang pelikulang to. akala ko isang boring na chick-flick na naman 're, mali pala. though, may pagka-imposible na mangyari kaya lang napaka-galing ng pagkagawa ng istorya. maka-durog-puso ba ga. sana mapanuod din to ng marami, whether in a relationship or not [*tangis (///-)] para na rin may peg next time. hahahaha. kupo! basta i-download nio na lang at panuorin. pede rin maghanda ng bimpo (huwag basta panyo o tissue paper lang) ihanda rin ang sarili sa hampas ng kasama mong manunuod, baka walang anu-ano'y... kiligin. :D


eto yung snapshot ng letter dun sa pelikula. malamang sa marami ang maka-relate. haha. basta panuorin na lang ninyo yung movie.


"They say there's always someone in a relationship who loves more. Oh God I wish it wasn't me."

Wednesday, February 1, 2012

goodbye mara-clara.

    'di talaga ako nanunuod ng MaraClara pero kahit papaano naman e may idea ako sa pinatunguhan ng istorya. paano nangyari?! ganito... here's the seating arrangement in most of our classes -- just imagine the four corners of a square tapos isa ka sa mga sulok na 'yon, 'yung natitirang tatlo e MaraClara ang pinagke-kwentuhan... 'di na siguro malabong masubaybayan mo 'yung nangyayari sa teleserye na 'yon kung naiipit ka sa tatlo. haha.

s'yempre nag-research din nman ako sa web. source: wikipedia
    na-isip ko lang na nakaka-MaraClara talaga 'tong layout ng blog ko, tas kuma-Kardo 'yung role ko. :D peg neto 'yung diary na kay tagal-tagal hinahanap e nakapatong lang pala sa tukador. ;)

talaarawan (MaraClara inspired) 'di ba?
    ayan ang sana'y pa-huling sulyap sa dating layout ng aking blog. i just come up with this post 'cause i'm planning to change my blog's theme (baka kasi 'di maganda tingnan). watchutink? haha. malamang sa mga susunod na post ko e iba na itsura neto. ayun lang naman. salamat! :D God bless y'all.

Saturday, January 21, 2012

facebook rants (part 1)

there are lots of them, really! :)
       dati ko pa dapat ito sinimulan e! 'di talaga 'ko maka-tiempo ng mahaba-habang oras para lang pagbulay-bulayan ang blogpost na 'to. though, andaming pumapasok sa isipan ko 'pag inaalala ko 'yung tungkol dito kaso nalilimutan ko rin dahil nga 'di naman ako nakakapag-take down ng notes lalo na at sa mga maling lugar pumapasok ang mga himutok ko -- habang nagkaklase, nasa biyahe papunta o pauwi galing ng school/duty at ang pinakamasaklap, habang nagbabawas ng sama ng loob sa toilet. kaya ayun, naipon na lang sa isip ko pero buti nanatili naman ang ilan. (drumrolls.) at ngayon, eto na! pag pasensiyahan n'yo na kung mahahagip kayo sa ilan sa mga nakalista dito, kung minsan guilty rin naman ako. haha. wag ninyo sana akong kamuhian, ito'y napapansin ko lang naman at minsan kasalanan rin ninyo/nating mga facebook users. ;) eto na, sisimulan ko na talaga.  (fingers crossed.)
     napakadaming mong mapapansin kapag involve ka sa ilang mga social media. minsan, may friends/followers ka na kakaasaran o kakatuwaan mo dahil sa lang sa mga posts nila o anything that they do with facebook. pero, ewan ko ba, kadalasan mas marami akong nakakaasaran dahil lang sa mga trip nilang gawin dito. at dito patungkol ang blogpost na 're. game!


  • The Mr. and Ms. Congeniality. sila 'yung mga maya't maya e makikita mo sa news feed na, "mr./ms. congeniality is now friends with..." argh. 'di mo alam kung naiinaman ba sila sa idea na paramihan ng friends sa facebook. yung tipong basta may nag-appear na request, e wala nang profile check... accept kagad. tapos kadalasan, sila rin 'yung dalawa yung account, tas ise-share din niya sa previous account niya, ano!? para mapuno ule? (fan page kaya ang gawin mo!) if he/she could just make friends with his/herself, he/she'll do it. asahan at abangan mo din, panigurado, magpo-post 'yung mga yan na, "HaiZt,,, k3LaN6aN qUH Na +aLa6a Ma6-uNfr!3nd n6 'd! kaK!LaLa. s0w33 feUh.. " umamin ang putek at jejemon pa! :)) (seriously, natagalan ako sa pag-type ng dialog niya.)
  • The Ever Gratefuls. sila 'yung mga regular posters (tama ba yan?! O basta the one who posts. haha.) ng statuses, photos and self-titled photo albums na oras na i-click mo 'yung makapangyarihang hinlalaki sa ilalim ng post niya... ayy, agad-agad kang papasalamatan with your name mentioned and/or tagged. if her post had 15 likes, for example, 15 thanks'/thank you's/salamat's din yung nandun. seryoso. 'di ko alam kung very flattered lang siya o misyon niya mag-trend sa news feed ang post niya. offline pa yan minsan, kuno! pero pag may nag-like, yay! wagas na pagpapasalamat ang hain niya. 'di masamang magpasalamat pero tandaan mo rin na 'di lahat ay tapat sa sinasabi nila, kung minsan hinuhuli ka lang. alter ego: self-worshipper at fisherman.
  • The Self Worshiper. siya 'yung poster (pangalawa na 'to. haha) ng photos, or worse, photo album na ang laman ay pictures niya (malamang) pero hindi, pictures niya in chronological order, walang bura-bura, direcho upload, iisa ang suot (pansinin mo) but his/her face in different angles. yesss, pouted lips, puffed ang cheeks, naka-japan pose, anit-shots with eyes looking up, o yung ninoy aquino, 500 peso bill pose na pa-cute/korean at marami pang iba. tignan mo na lang pictures in thumbnails, mabubuo mo yung istorya, pramis yan. :) (wag mo ila-like a, baka mamihasa. jk. pag me itsura, sige pwede na din. ;)) alter-ego: the fishermen and the ever gratefuls.
  • The Fishermen. eto naman 'yung mga alam mong nangunguha lang nga atensyon sa facebook whether thru their status, photos and/or videos. nag-aabang kung sino kakagat sa pain nila. ang caption? in all capital letters pa yan para lang mapansin. their usual post... papalit-palit ng relationship status, mga "this world is not for me, i wanna die. (slash.bleeding.dead.)" posts, at mga suppose-to-be private photos or videos e ina-upload pa para lang mamalakaya ng likers. (o nalaliman ka? mamalakaya, mangisda ba.) kung bakit kaya 'di ka gumawa ng scandal? jk. e, sa totoo lang, 'di ko nila-like yung mga posts na 'to. haha. (sana kayo rin.) isa pa tong lubos kung mamihasa habang pinagbibigyan e. alter ego: the ever grateful and the pathetic.
  • The Ranter. eto 'yung mga walang ginawa kundi sabihin ang lahat ng pag-iimbot at hinagpis sa kung anuman ang mga nakikita o napapansin nila. naghahahanap ng babag kumbaga at maging ng kakampi nila. kung minsan may kat'wiran at mapapa-tango ka sa sobrang pagsang-ayon, kung minsan nakiki-uso lang. mga ipinanganak upang sulitin ang demokrasya sa bansa, lumabas na suhi sa sinapupunan kaya ayan labis rin ang pag-ire ng mga himutok. humihingi ako ng dispensa, sabi nga ng boyband na blue, "then, i'm guilty". ;D
  • The Public Person. sila ang mga walang habas na gumagamit ng check-in feature ng fb. updated ka kung saan sila naroon. lalo na kung nasa mall ito, malipat lang yata ng boutique isa-shoutout na kung nasaan siya. (may angas.) at ultimo 'yung bahay nila isinasama pa 'tas dume-there's no place like - at home. alam mo, kung may gustong pumatay sa iyo, natunton ka na dinamay mo pa pamilya mo. bumiyahe ka ng tahimik! alter ego: the filter-less .
  • The Pathetic. "pa-like naman ng status/post ko. thanks. :3" iyan ang karaniwang linya niya sa pag-PM sa iyo. nakakaawa di ba? kadalasan rin niyang gawi ang i-like ang sarili niyang status. 'di makapaghintay na gustuhin ng iba ito. wag kang magpapasikat ng alas-sais o alas-siete ng umaga, di pa gising ang iba, hintayin mo ang posting hours, 7pm onwards at dun ka pumalahaw. kung ala pa rin talagang nag-like, malamang 'di nila talaga nagustuhan o suya na sila sa kapo-post mo at utang na loob, wag kang maging desperado na i-PM ang online friends mo para i-please sila. lalo ka lang magmumukang aba o di kaya naman kamuhian ka na. :))
  • The Filter-less. madami niyan. walang ibig ipahayag kundi ang activities of daily living (ADLs) o ang to-do list nila with location. matuto kang mamili ng ii-immortalize mo thru internet. di namin kailangang malaman kung mag-aanak ka sa binyag, magrereview ka for the exam, pupunta ka sa lamay o kakain ka. teka, 'di dapat maging kaugaliaan na kumain sa harap ng computer para lang i-update kame. "natinik pa 'ko." ayy, bakit 'di mo kaya unahing lumunok ng isang tumpok na kanin o ng saging mapa-lacatan, la tondan o saba pa yan o kaya'y agad na magpahilot sa kunsinumang ipinanganak na suhi para ipatanggal yan. (sana tinik ng aruwana 'yang nakadali sa iyo. jk.) para ka na ring nagbigay pahintulot para ma-invade ang iyong privacy. alter ego: the public person.
  • The Scoreboard and Sports Analyst. eto naman ang maghahatid sa iyo ng balita tungkol sa sports. kung nataong may laban si pacquiao at wala ka sa bahay para mapanuod ito, wag ka mag-alala, log on to your fb mobile, andun siya, every round may insight sa laban. badtrip pa kung nasa ibang bansa siya na live na nakakapanuod, nakakawala suspense. :)) merun din naman na ginagawang scoreboard ng volleyball/basketball game ang fb, talagang sasabihin niya ang score kung kesho natambakan na ba o ano pa'ng nangyayari. magfocus ka na lang sa panunuod jan 'di yung dapat mo pa sabayan ng pagpe-facebook. pasikat 'tong naka-cable na 'to. (pait.) haha. alter ego: the filter-less.
      ayan na nga lang muna. baka marami nang magalit sa akin. kung sino ka man, wag mo munang itodo 'yung galit mo kasi may susunod pa at baka nandun ka pa ule. haha. biro lang. 'di naman masamang gamitin ang mga social networking sites gaya ng facebook, kaya lang parang pag-inom lang ng alak 'yan... in moderation dapat.
     thanks for reading!
     God bless us all!

Saturday, December 24, 2011

it's a merry Christmas... still.

miss ko na kayo -- kuya at kim. :)
     it's less than 21 hours before Christmas and i am still upset with the thought that we're celebrating it without my kuya and kim. though, it's not the first time that my kuya's out for holidays, knowing that he's not in the country (so, i can deal with the pain. lol. jk.) but, not having my little sister, kim, for the first time this Christmas is one thing. the fact her bosses on her ojt didn't allow her to leave the training on that day, it really sucks. naaawa ako sa kapatid ko kasi ngayon lang namin siya di makakasama sa noche buena at mismong araw ng pasko. i will miss how her diet fails during this season cause she can't resist the food and sweets we're preparing/we've prepared and how we're competing on who's getting more aguinaldo's mula sa napapamaskuhan namin kahit na matatanda na kami. :)) few hours ago she texted me,
kim: Kuya king.
me: Bakit?
kim: Ala lang. :( d ako jn pasko.
 
me: Oo nga e. sayang. bakit ba di ka nakauwi ng monday? ingat ka jan.
kim: Ewan ko b sa mga epal na b0s ko. Miss ko na kayo jan. Sayang di ako jan makakakaen ng n0che buena.. Pero new yr jan tlga ko kht anu mangyre
me: oo nga. tumakas ka kung kailangan. haha. jk. ... ingat ka jan ha. youth christmas party bukas...
     i can really be a supportive brother in a bad way. jk. but what can i do, i just want my sister to be here, at least, on new year's eve and new year.
     i just have to enjoy this holiday with nanay and ate. kaya naman namin gumawa ng sariling ikaliligaya kasama ang mga kamag-anak at kapit-bahay. kumain na lang ng marami at magpakabusog. anyway, this season is all about Jesus' birth and He's the one who should get all the credits, be honored and glorified. Maligayang kaarawan, Jesus! :))


Merry Christmas to y'all -- families, friends, classmates and countrymen! God bless us all. ;) Spread the LOVE! <3

Friday, December 16, 2011

salamat nanay!

dati pa 'tong litrato na to kaya mataba pa ko jan. :)
     i just had a good time with my college friends and when i was on my way home, (actually, naglalakad lang ako dahil sira ang motor, at saka malapit lang din naman kasi) bigla kong naisip 'yung mga tinapay ng bakery sa may kanto sa amin na animo'y nanghahalina para kainin sila, at ngayon e medyo nausad na kasi ginagawa 'yung bahay sa likuran noon magmula nang bumaha, o adi bale wala na siya sa kanto namin pero malapit pa rin naman. (ang gulo!) anyway, wala ka namang yatang pakialam sa lugar kung nasaan yon. kaya, habang naglalakad ako napaisip ako kung dadaan ba ako dun ng ako lang o uuwi muna ako, 'di naman kasi ako sanay maglalabas ng kalsada. naisipan ko na umuwi muna at susugal ako sa pagkakataon kung sasamahan ba ko ni nanay para makabili lang dun. 'di ko rin alam kung bakit ko gusto bumili e busog naman ako.
tumutuktok...
king: "nay, bless."
nanay: (abot ng kamay) "kumain ka na jan."
king: "e kumain na ko dun." 
nanay: "dapat pala 'di ko na niluto 'yung baboy... teka, 'yung sukli ko?" 
king: "o eto walang bawas. e nay samahan mo kaya akong bumili sa bakery." 
nanay: "naman, amaya na. pagtapos ng isang palabas."
king: "ngayon na e mabibitin ka pa n'yan lalo. saglit lang naman 'yun." 
nanay: "naman pala." (tumayo, tinurn-off ang tv at ang ilaw) 
habang naglalakad nang magka-akbay...
king: "bukas pa kya iyun?" 
nanay: "oo naman. kala ko ba kumain ka na?!" 
king: "oo nga. giniling saka adobo." 
nanay: (masama ang tingin) "o bakit doon kumakain ka ng adobo?!" 
king: "e giniling lang 'yung kinain ko 'no."
nanay: "nakooooo!" 
     at nung nasa bakery na kame, wala akong nakitang custard cake at egg pie. saklap! adi ayun bumili na lang ako ng tig-sampung pisong brownies at spanish bread. at tig-six pesos na crinkles at hopiang baboy. para akong bata kung mamili kailangan sa kaunting pera ay marami akong matikman. susubukan ko lang kasi ule 'yung crinkles at hopiang baboy 'di ko na kasi maalala 'yung lasa.
  at pag-uwi namin sa bahay, binuksan kagad ni nanay 'yung tv at nagrereklamong tapos na ang amaya. sabi ko naman nakaka-isa pa lang yun. at kinain ko na 'yung mga tinapay, ganun pa rin naman ang lasa. lasang-langit! masarap. Peralta's finest ika nga. samahan pa ng napakasarap na ice candy ni nanay. :D ayyy, daberiberibest!
   ayun, tapos na, naisip ko lang i-blog kasi napakabait ng nanay ko, di ko inasahang papayag siyang samahan ako para lang sa tinapay na 'yun! i love you nanay! <3

thanks for reading!
Godbless us all. ;)

Tuesday, December 13, 2011

mga pasikat: a rant.

credits to the one who one this photo. :)
     na-alarma lang ako sa mga facebook status na pinopost lately na sobrang nakakinis na pauli-ulit na lang, like,
"kumain ako neto kanina wala naman music! hehehe"
and they were pertaining to the cornetto disc na sinasamahan pa ng youtube video ng commercial sa post nila.
     bakeeet?!! teka lang! 'di ko lang makuha 'yung punto na hahanapan mo ng tugtog 'yung pagkain mo ng cornetto disc na malamang binubuksan mo pa paikot.


snapshot from the cornetto disc tv commercial.
     paki-paliwananag lang. maiintindihan kita kung you're a school-aged kid at aasa ka sa background music, that'd be cute o 'di kaya naman sadyain mong magpatugtog sa music player mo ng hey daydreamer. pero, utang na loob teen-ager ka na... bakit pa magpapa-uto sa mga tv commercials at sa autoplay. unless, unless, unless, naka-droga ka at nagha-hallucinate ka. pwede 'yon. (naaawa ako sa iyo.) i never tried that ice cream at kung sakali man na bumili ko, 'di siguro ko mag-eexpect ng background music, seriously. oo. o 'di kaya naman may punto ka lang talaga na gusto palabasin... nagyayabang ka lang na kumakain ka ng usong ice cream at gusto mo malaman namin 'yon! oh, tama ako? :)) argh, lech*ng pasikat!
     please, wag na lang. at kung mabasa 'to ng iba... alam ninyo na 'yung dapat iwasan. salamat! :D


God bless us all. :)

Thursday, November 24, 2011

COLLEGE WEEK?! ASPIRIN!

       this blog needs a background music: nanghihinayang by jeremiah.
     i already made up my mind before that i was right when i've chosen (nakaka-chicha 'yung salitang na chosen) nursing for a college degree, until... NOW! eto na naman 'yung isang punto na mapapa-isip ka kung tama ba o mali ang nangyayari. kasi 'di pa man nagsisimula ang college of nursing week (which is less than 2 weeks from now?) na by the way, kasabay lang naman ng foundation week ng school (kaduper saving time and effort... ika nga) e matatanggap mo na 'yung balita na:


c.i.: "bale may duty kayo ng con week."
estu(um-aso): "aaaaaww."
c.i: "sige, ano pipiliin ninyo, graduation o con night?"
estu: "gradweeeeyshoooon." :(


      (o beat that!) lupeeet! 'di ka manlang sinurpresa nang mga 1-week-before bago mag-announce para kahit papano nasasabik ka sa bagay na 'di naman pala mangyayari... e kaso hindi. agad-agad talaga. bilang 4th year student aasamin mo talaga na masulit 'yung mga panahon na 'yon e... kasi last na nga at mapahinga man lang! haha. 'yun bang naka-set ka na, na bumili ng t-shirt base sa kulay ng team ninyo, magpagawa ng group shirt na kakulay din no'n at suportahan 'yung lalaban sa pageant. ayyy. masasabi kong mahapdi talaga. :) bago matapos ang 8-hour lecture kanina makikita mo sa mukha ng lahat ung pagkasawi. totoo.


     bale for this semester, 7 days a week ang pasok. weekdays para sa duty(community) at 'yung weekends ay para sa review. okey. para na lang sa preparation for the night: sige nga, paano mo pa isisingit 'yung pagbili ng damit sa ganung klaseng schedule. sige nga, paki-paliwanag! unless, evolution of school uniform ang theme, e bakit hindi. utang na loob... wala na po bang tawad?! nakakapanlumoooo. 


wakas.
himutok of a "PETIKS" wannabe. :DD
bawal mang-IR ha. ;)


pahabol...
congrats to my tita for reaching the jackpot round on Wil Time Bigtime! :) Ba-La-To!

Tuesday, November 22, 2011

tribute to PUMBA!


ayan si pumba... yung nsa gitna! :D

nahu-hook na yata ako kay pumba.
di namana ako naaliw sa kanya...
masarap lang talaga bigkasin yung pangalan niya.

ayayayayayayayayayayayay!
PUMBA!

balang araw magpapatatak ako sa t-shirt nito. ;)

sana may mahanap din akong ganito. :(

pero pansamantagal...
i-e-enjoy ko muna ang real life pumba!


angel a.k.a. PUMBA!

Sunday, November 20, 2011

we're gonna party like it's my birthday!

     naging malaking tanong ko sa sarili kagabi kung magpupuyat ba ko o hindi (kahit na gabi-gabi naman akong late matulog.) kasi naman magbe-birthday ako kinabukasan at nakaka-stress isipin na baka 'pag may nakakita sa akin na naka-online ako e sabihin naghihintay ako ng greetings ng 12a.m. (lakas maka-high school ano?) :) at ganun nga ang mga sumunod na nangyari... may classmates ako na nagtext. nakakatuwa naman na nag-greet at nag effort sila ng 12am kaya lang pagka-reply ko, excitedly, e ang pagka-sagot nila:
texter 1: "Gcng pa talaga?haha. Sinalubong ang araw ng kpanganakan.haha.see u later. o:" 
eto pa:
texter 1: "...hoo,rereplyan mu lng nyan mga babati sau eh.haha" 
eto naman ang isa pa:
texter 2: "...Ayie.my bumbati nb? Di pa tulog oh.naghhntay ng mga babati.haha."
     at kahit anong gawin kong pagpapaliwanag sa kanila, ipinipilit pa din nila na ganun ang motibo ko. (siguro ganun ugali ninyo ano? haha.) kaya ayun, kahit na may mga bumati sa facebook, habang naka-offline ako (kuno!) e pinilit kong huwag replyan... kasi naman e baka matanggap ko na naman 'yung ganung impression. :( ayun, kung kadalasan alas-dos ako matulog, napilitan akong humiga sa kama ng ala-una! di ko talaga kaya, buti natapos 'yung dina-download kong "praybeyt benjamin" at pinagt'yagaan kong panuorin kahit pirata. (hirap kasi magpanggap na inaantok.)
    kanina: s'yempre, i checked on my inbox! ayun. may mga bumati nga. hahahaha. salamat kay aling puring (alam mo na kung sino ka!) at niregaluhan niya ako ng 20php worth of load dahil daw 20years old na ako. tam-is! na naging daan upang makasagot ako sa mga texts sa akin. :) then, when i went to school for our review (opo, sabado!), my friends/classmates greeted me hanggang sa umabot na 'yung awkward feeling na magkakasabay-sabay ang pagbati tas 'di mo na alam kung kanino ka na magpapasalamat... ayy, nakahiya talaga! good thing, wala pa 'yung reviewer when i entered the room, so i was expecting my classmate na sasayaw siya habang kumakanta kami ng happy birthday song; which we have agreed before that she's gonna perform it whenever someone's celebrating his/her birthday, panata ba ga. e kaso sa dami ng tao sa venue (4 sections lang naman ng 4th level ang pinagsama-sama) e mukhang umurong at tinablan ng hiya. 'di pa din kami nawawalan ng pag-asa hangga't 'di natatapos ang araw kasi pag 'di siya sumayaw e 'di talaga namin siya papansinin. :) buti na lang may naihanda siyang paunang pampasiglang bilang na 'di na kailangan tumayo pa. readers... please welcome, ariel! oops, i apologize, for she looked like ursula in the video. lol :D




    tas kasi may ka-birthday din ako dun na classmate ko. nag-greet kame sa isa't isa... at ano'ng tawag doon---kwits! haha. and we were talking, secretly, 'bout the treat issue during our lunch break... na walang librehang magaganap. :D
    same day, i need to pay for my tuition. kinailangan kong i-extend ang a.m break ko para sa cashier at lunch break naman sa registrar. and "thanks, God!" 'di ganun kahaba 'yung pila at mabilis ang usad. ayun... enrolled!
   here's greatest part: nung afternoon break ambilis ng paglabas ng mga classmates ko, halos ako na lang 'yung naiwan sa room. so i signed the attendance tapos labas na ko kasi gusto ko bumili ng inumin. 'pag tulak ko ng pinto nakakulupol sila sa "sala set" kuno ng hostel... ahh, wala na, me plano ang mga 'to. i tried to walk away kasi bibili nga ako ng inumin tas hinila ko at may cake nang hawak ang isa. tam-is! 'di ko alam magiging reaction ko kasi 'di ako sanay sa mga ganung tagpo, first-time kasi 'yun! salamat! 



     look at their caption and comment, dito nagsimula e. nagdududa na 'ko... pakiramdam ko tuloy may alam sila sa kalusugan at natitirang oras ng buhay ko kaya ganyan ang mga gawa nila e. haha. o siya, hayaan ninyo nang ang video pictures at sa ibaba ang magpatuloy ng kwento. :))




'di pa rin ako binigo ni pumba sa special number niya! salamat sa 'yo!

gg blasters, maraming slamat! :D
maiba naman... lengthwise ang pag-hati. haha.
o sige crosswise na, baka ma-hit 'yung buntot ni PUMBA!
lonny: "unahin mo ko! aking 'yung gilid ha?!"
grace: "basta, maganda ako!"
banatan mo na new boy! ;)
never kong ni-require sa birthday ko na dapat nakatikom! ananyare adet at cat? :D 
meet PUMBA with her tail! :D ayayayayayay!
pumba, saan mo ilagay 'yung hawak ko? bakit iba na 'yung amoy?!
grace and lonny. salamat! :)
alalay sa pag ngiti/ngiwi, baka may nakasingit sa ngipin.
huwag tularan! :D
     gg blasters, maraming salamat talaga sa munting handog ninyo. kahit 'di natin napatunog 'yung kandila, wag mag-alala...tumunog siya dito sa bahay. God bless us all and may we, not only pass, as what our reviewers always say, but top the boards this july 2012. God bless batch 2012!
     at pag uwi ko ng bahay ay may munting piging din pala na inihanda si nanay at ate. :)) ang naglulupasay na spaghetti and cake!





     salamat po! tatay, nanay, ateru, kuya at kim, mahal na mahal ko kayo! at salamat po Lord God sa buhay na 'to! :)


     this is one of my most memorable birthday celebrations ever! maraming salamat muli sa lahat ng bumati in person, thru text, and facebook. God bless us all. :)